Kung wala lang kaming maid baka magkagulo na rin sa bahay.

Pumasok ako ng kwarto ni Dad at linibot ang sarili, mas prefer nilang dalawa na Black ang kulay ng kwarto nila, even the curtain.

Baka may lahi na rin kaming bampira.

Hindi talaga ako pumapasok sa kwarto nilang dalawa, kasi naman wala rin akong kukunin.

Wala naman talaga akong pinunta dito.

Humiga ako sa kama.

"Matatapos na rin ang lahat"pumikit ako.

Hindi ko namalayan nakaidlip na pala ako, dali dali akong bumangon ng makita ang oras.

Pinapunta ko nga pala sila Venezio sa hospital, nalimutan ko pa.

Pagkita ko ng phone ko, ang daming missed call ni Venezio.

Sinubukan kong tumawag ulit pero nakapatay naman ang phone nya.

Pumara ako ng taxi.

Paano kung nagkita na sila?

Sa sobrang trafic matagal bago ako nakarating sa hospital. Halos takbuhin ko na kung saan naka confine si Dad.

Agad agad kong binuksan ang pintuan pero napahinto ako ng makita ko si Stella na nakayakap kay Dad.

Nabaling ang tingin nila sa'kin.

Napangisi ni Venezio ng makita ako.

Hinawakan ni Mom ang pulpusan ko at pinapasok sa loob.

"Blare, asan ka galing at sobrang gulo ng buhok mo?"takang tanong ni Mom.

Inabot nya sa'kin ang salamin.

Kinuha ko 'yun sa kanya at tiningan ang sarili, napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala sa sarili.

Sobrang gulo ng buhok ko at ang make up kong nagkalat na rin. Hindi naman naglasing pero magulo talaga ako matulog.

Oh my god!

"Paano ko kinayang lumabas ng ganito ang itsura?"napaupo na lang ako.

Kaya pala tumatawa sa'kin si manong driver kanina, hindi nya man lang sa'kin sinabi.

Lumapit sa'kin si Venezio at inabot ang panyo nya.

Kinuha ko 'yun at pumasok agad ng washroom.

Gusto ko na lang sumigaw sa sobrang kahihiyan na ginawa ko pero pinipigilan ko na lang dahil baka marinig pa nila ako.

Ginamit ko ang panyo pangpunas ng make up ko, wala naman akong skin care dito.

"You're still Beautiful, Blare"ani ko sa sarili ko.

Nakita ni Venezio ang mukha kong sabog.

Mas lalo kong ginulo ang buhok ko, what if sa loob loob nya tumatawa na sya dahil sa itsura ko? I can't believe this.

Bakit kasi umalis ka ng hindi man lang tinitingan ang sarili, Blare?

Sumilip mo na ako, kung nandito pa rin sila sa loob.

"Lumabas ka na jan, ang tagal mo sa loob"rinig kong sabi ni Dad.

Lumabas ako ng washroom.

Linibot ko ang tingin sa apat na magkakasama.

Nasa tabi ni Dad si Stella, habang si Venezio naman nakaupo sa sofa. Si mom naman nakaupo lang sa gilid.

"Kanina pa ba kayo?"lumapit ako sa tabi ni Venezio.

Tinapik nya ang tuhod nya para sensyahan akong doon umupo pero hindi ko sinunod.

Nasa harap ako ng pamilya ko. malandi ako pero ilulugar ko naman.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now