Ch. 28: Mission: PAIBIGIN AT SAKTAN SI JOSHUA

25 3 0
                                    

Chapter 28: Mission: PAIBIGIN AT SAKTAN SI JOSHUA

"Bangon na Charmaine!"-sigaw ni Racky sa labas ng pinto. OO, nandito na ang alarm clock slash stepmom ko. Kagabi lang siya dumating. I told yah naman di ba na umalis siya for business purposes kaya siguro, natapos na yun kaya bumalik na siya.

"Gising na ako Racky!"-sigaw ko sa kanya para matahimik na ang malaking bunganga niya.

Ito na ang magiging simula nang 'mission' ko....

MISSION: PAIBIGIN AT SAKTAN SI JOSHUA.(P.S --hindi pwedeng ma inlove!)

Maaga ako gumising ngayon at hindi ko alam kung bakit. Excited lang siguro akong makita ko ang mga besties ko. O di kayay sadyang masipag lang ako. O pwede ring dahil kay.... Ahh, basta dahil masipag ako at miss ko na ang bestfriends ko! yun lang ! period. ^_________________________^.

Mabilis akong natapos at umalis na papuntang school. Hindi namang halatang excited much eh noh? HAHAHAH . ^_______________^. Pakiramdam ko kasi ay magiging maganda ang araw na ito . POSITIVE VIBES! :D

Naglalakad ako sa corridor ng may sumabay sakin, alam ko kung sino siya kasi naaamoy ko ang pabango niya.

"Bawal nga kasi maglakad mag-isa! Nakakabaliw!"-sabi ng lalaki na hindi tumitingin sakin.

Lumapit ako sa kanya ng kunti habang naglalakad. "oh ayan! Hindi na ako mag-isa! Hindi na ba ako mababaliw nyan? Ha?"- sabi ko sa lalaki na walang iba kundi si Joshua. Magkadikit ngayon ang mga balat namin sa braso. Agad naman siyang tumingin sakin at nung nagka eye-to-eye kami ay bigla siyang tumingin sa ibang direksyon at mabilis na naglakad palayo. Anong nangyari dun? Sinakyan ko lang naman ang trip nya ah? Siya na nga ang sumabay bigla tapos mag wo-walk out siya? Bipolar. Tsss.

-___________- xD

"hoy! Intay naman Joshua!"- tumakbo ako palapit sa kanya kasi ang layo-layo na niya sakin. Malapit ko na siyang maabutan pero sa kasamaang palad natapilok ako. Pumikit ako ng mariin at hinihintay na tumama ang beautiful feslak ko sa semento. I slowly opened my eyes para malaman kung bakit hindi ako tumama. Nagulat ako kasi naramdaman ko yung kamay niya na nakayakap sa beywang ko. Lumaki ang mata ko nung matantong ang lapit-lapit pala namin sa isa't-isa at wrong move lang ay mahahalikan ko na siya ay este mahahalikan na niya ako!.

:P >//////////<.

"Ang bilis ng heartbeat mo ah! Na-iinlab ka na ba sakin ha? Charmaine? . Tsaka ine-enjoy mo ang paghiga diyan ah! Masarap ba higaan?"- asar na sabi ni Joshua sakin.

Para naman akong nabuhusan nang malamig na tubig nung marinig ko yung sinabi niya at napagtanto ko na marami na palang naka-tingin samin. Agad naman akong tumayo at nagpagpag sa sarili. Baka mahawaan ako ng germs ni Joshua noh! >:DD

"Feeler ka din ano? A fast beating heart doesn't always mean LOVE, sometimes it's just a sign of high blood ok?!"-pagtataray ko kay Joshua. Ewan ko kung magiging madali ang plano kong paibigin si Joshua sakin. Palagi kasi kaming nag-aaway. Tsk -_________________________-

&quot;My Destiny Is The Bully Prince&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon