Jumping through conclusions.

1 0 0
                                        

It's been 1 week na din since nung pasukan. Ang sarap magaral. Sobrang saya. Lalo na pag nasa isip mo talagang gusto mong magexcel and gusto mong matupad yung promise mo sa sarili mo. Ako yung tipo ng estudyanteng hindi maaral pagdating ng quizes or exams. Pero ako yung sobrang active sa recitations and always leader sa mga group activities. Bakit ko ba nasasabi to? Wala lang, gusto ko lang ilagay dito. Storya ko naman to

Sarili kong kadramahan. And taga basa ka lang kaya wag kang demanding.

And by the way. Si Paul. Nung last last week lang yung last naming usapan, Kamustahan pa din, walang bago.


Aaminin ko, na-a-attach na ko sa kanya, parang di na ko sanay na di ko sya makakausap for atleast once a week.


He have this characteristics na gusto ko sa isang lalaki, mabait, responsable, matalino, masipag, family oriented, and most of all maka-Diyos sya. Pero sa text lang naman kasi kami naguusap so parang iba pa din, parang ang cheap ng dating. Eto yung nakakainis sa sarili ko, masyadong mataas yung standards ko sa isang tao. Lalo na pagdating sa mga relationships. Well ayoko kasing magaya sa dati na kung sino-sino lang syinosyota ko. Basta may mabilang lang na boyfriend pag nagpapadamihan kami ng mga kaibigan ko.


Hindi ako yung tipo ng babaeng maganda pero mas lalo namang hindi ako panget. Basta nasa gitna lang yung beauty ko. Hahahaha. By the way, name ko pala is Andrea :) Uwian na and yes! It's freaking Friday! Pagkauwi ko kinuha ko agad ang phone ko ang checked my text messages, andun agad si Babe. Hahahaha babe is Paul. Sabi nya gusto nya daw ng may cs, ako naman ayoko kasi ang baduy pero pumayag na lang ako kasi natuwa ako sa kanya nung pinipilit nya ko, makulit yet magalang. Hay, that kind of guy <3


College student na pala sya readers and Criminology ang course nya. Hindi ko maintindihan pero, interesadong interesado ako sa kanya. Siguro dahil nasa kanya na nga ang gusto ko sa isang lalaki at napakadesente nyang tao. Lalo na yung way ng pakikipagusap nya, pananamit, at pakikisama. Nakita ko na sya. But sa fb lang. Natawa ako nung una kasi mukha syang tomboy.. Nahiya naman akong itanong sa kanya kung tomboy sya so tinawagan ko sya nung sabado ng hapon. Nung una di sya nasagot but after 3 calls sumagot na din. Sabi nya nasa bayan daw sya kaya di nya napansin phone nya. I can say na boses tomboy sya. So parang medyo nahiya akong kausapin sya. Kaya tinanong ko na din.


"May tatanong ako, pero wag ka magagalit ha?" yan ang sabi ko sa text. Well san pa ba? E dun lang naman kominikasyon namin.


"Ano ba yun?" reply nya kaagad. Yan yung nakakatuwa sakanya kasi wala pang isang minuto may reply na agad sya.


Iniisip ko kung itatanong ko pa kasi baka naman maoffend sya. But naiisip ko naman na di naman to mao-offend siguro kung lalaki talaga to, baka matawa lang sya so tinext ko na.


"Wag ka sana ma-offend ha, pero tomboy ka ba?" grabe kinabahan talga ako sa sinabi kong yun, baka kasi magalit sya or kung ano man.


Medyo natagalan yung reply nya so dinouble ko yung text ko.

Mga after 10 minutes nagreply na sya.


"Ay grabe ka naman! Hahahahahaha XD lalaking lalaki ata tong kausap mo."


Natawa ako sa naisip ko tungkol sa kanya. At sobrang nahiya ako kasi hahahaha! Susmaryosep mukha kasi talaga syang tomboy, patawarin ako ng Diyos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm always Trying. Always.Where stories live. Discover now