"Ang hina mo pala, Lia. Isang problema pa lang dumadating sa relasyon natin suko ka na agad." Iling ko.

"More reason for you to find someone na hindi tulad ko. Someone who is ready to fight for you. Unfortunately, that someone is not me." Sumeryoso na naman ang mukha niya.

Tumango ako at nagpunas ng luha ko. Tatalikod na sana siya para umalis nang magsalita ako.

"Amalia! Sana, sa panahon na maging malaya ka, yung babae o lalaking sunod mong mamahalin hindi na maranasan ang naranasan ko. Sana kaya mo na siyang ipaglaban pagdating nang panahon. Iyong hindi mo na kailangan pang pansinin ang sasabihin ng ibang tao sainyo. Salamat sa lahat," Ako na ang unang naglakad paalis. Baka pag sumulyap pa ako ulit hilain ko siya at dalhin kung saan. Napatawa ako ng pagak. Napakamalas ko naman sa lovelife oh.

~~~~~

Dinala ako ng mga paa ko sa bahay ni Hannah. Siya talaga ang kailangan ko ngayon eh. Kailangan ko nang kalinga ng bestfriend ko. Siguro kukutusan ako nun. Naalala ko pa nung nalaman niya na may relasyon kami ni Amalia sinabi niya na sa oras na saktan niya ako, wag na wag daw akong magpapakita sakanya pero heto ako. Mas okay na ang makutusan kaysa mag-isa kong damdamin ito.

Kakatok pa lang sana ako nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ni Hannah sa akin. Siguro mukha na akong aswang sa itsura ko. Mapula ang mata tapos gulo ang buhok.

"Coreen. . ." Hindi ko na siya pinatapos at yinakap ko na lang siya.

Ilang oras din siguro kami sa labas bago niya ako inaya na pumasok.

Ipinagtimpla niya ako ng gatas para daw kumalma ang loob ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya.

"Wala na kami. Pagkatapos malaman ng pamilya niya na kabit niya ako, napagdesisyonan niyang makipaghiwalay na lang."

"Coreen, ayoko na tinatawag mo ang sarili mo nang ganyan. Kahit medyo tanga ka sa pagibig, ayaw kong ibinababa mo ang sarili mo." Sumimsim ako ng gatas na hinanda niya.

"Eh totoo naman talaga. Naging uto uto ako at pinatulan ko yung walang kwenta kong feelings. Sana hindi na lang ako umasa, Hannah. Ang sakit sakit eh," Ito na naman yung iyak eh. Akala ko natapos na kanina. Hindi pa pala.

"Sabi niya, mahal niya ako pero hindi daw pwede. Paano yun? Ang gulo naman eh. Tapos sasaktan daw ako ng pamilya niya pag hindi kami naghiwalay eh pake ko ba sa mga iyon diba? Tangina naman. Ang gusto ko lang naman magawa niya kong maipaglaban kahit konti. Eh tangina unang pagsubok pa lang atras na siya agad," Tahimik lang si Hannah habang nakikinig sa mga hinaing ko.

Tumayo siya at kumuha ng pamunas saka inabot sa akin.

"Ayaw ko mang sabihin sayo yung sinabi ko nung una pa lang pero siguro makakatulong naman. Diba sabi ko na walang naidudulot na maganda ang pakikipagrelasyon sa nakatali na? Walang assurance o ano pa man. Wala kang mapanghahawakan. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang mag move on sa babaeng iyon. Hindi niya deserve ang luha mo bes."

Hindi ako makakain ng gabing iyon. Alam kong sinabi na ni Hannah kay Lulu ang nangyari. Nagpapasalamat naman ako na rinerespeto ni Lulu ang nararamdaman ko ngayon.

Paggising ko naman nung umaga, wala akong ganang magtrabaho kaso lang syempre mas importante pa din ang kikitain ko ngayong araw.

"Oh ate, papasok ka?" Naabutan ko si Lulu na nagluluto ng agahan sa kusina. Tumango na lang ako saka kinuha ang tuwalya ko.

"Ate naman, magpahinga ka na muna." Pagpigil pa din sakin ni Lulu.

"Lu, oks lang ako. Mas importante na makapagtrabaho ako ngayon kaysa magmukmok ako dito. Tsaka, atleast malilibang ako kahit papano." Trabaho na lang ang makakaaliw sa akin kaya papasok na lang ako.

"Ate. . . sigurado bang okay ka lang?" Napako ako sa kinalalagyan ko. Hindi pwedeng makita ng kapatid ko na nasasaktan ako. Kakayanin ko 'to.

Humarap ako sakanya habang pilit ang ngiti ko.

"Oo naman! Hindi naman 'to ang first time na nagkaroon ako ng heartbreak eh, kaya oks na oks ako. Sige na, mauna na ako ha? Ingat ka."

Sana nga totoo na okay lang ako.


henlooo. . . omg it's been so long since nagupdate ako🥹 super busy ng college life jusko po. but anyhow, i'm trying na tapusin na ang novel na ito para na din masimulan ko ang next novel ko huhu. thank uu sa mga patuloy na sumusubaybay kahit inaagiw na ang story na to HAHAHAHA. so much love guyss!🫀✨

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love That Hurts  (Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon