"I gotta go, its already late in evening, see you tommorow, meet me at cafeteria."

Nang makalabas na sya ay napagpasyahan ko na ring pumasok sa kwarto ko, nilalamon na rin ako ng antok.

Anong mangyayari sa bangkay kanina?

Umiling iling naman ako, hindi ko na dapat isipin iyon, labas ka na sa krimen na iyon, saksi ka lang.
Pero sino naman ang may kagagawan non dito? Alam kaya ito ng mga namamahala ng skwelahan? Papaanong tinawag pa itong skwelahan kung may pumapatay dito.

Napawi ang antok na nararamdaman ko dahil sa mga iniisip ko, kinuha ko ang cellphone ko sa aking aking gilid, at nag suot ng jacket. Binuksan ko ang bintana sa gilid ng kama ko, dumungaw ako roon, malakas na simoy ng hangin ang sumalubong saakin. Mga puno na pala ang ang likod ng building dormitory na ito.

Isasara ko na sana ang bintana ng may naaninag ako, sapat lang para makita ko ito ng maayos dahil sa sinag na buwan na tumatama sakanila.

Sampo. Sampong mga kalalakihan, pawang mga nakasuot ng itim, maskara na may ekis sa mukha, katulad sa nakita ko kanina, pawang may mga hawak itong dagger. Katulad sila nung lalaking nakita ko kanina.

Parang may pinaguusapan ang mga ito. Paanong may ganito sa paaralang ito? Bakit nag papapasok sila ng mga mamamatay tao.

Habang nakamasid sakanila di kalayuan ay di ko maiwasang magtaka sa pinaguusapan nila. Panay ang mga linga nito sa paligid. Isa sakanila ang nakakuha ng atensyon ko. Di sadyang napatingin ito sa direksyon ko, tumabingi ang ulo nito tila sinasaulo ang mukha ko.

Imbes na matakot ay nakipagtitigan din ako rito. Ngunit tinablan ako ng pangingilabot ng mapansin kong sya na lang ang nagiisang nakatayo sa puwestong iyon. Bahagya akong napaatras ng may lumabas na naglalakihang mga aso sa tabi nito. Doberman Pinscher. Naglalakihan ang mga katawan nito, Nakalabas ang mga dila, kaya't kitang kita ang mga nagtatalimang mga pangil nito.

Nanlaki ang mata ko ng unti unti itong humahakbang, dali-dali kong isinara ang bintana at humiga sa kama.

Ano iyon?

Sino ba sya, sino ba sila.

Ang plano ko sanang lumabas at puntahan sana ang bangkay ay nauwi sa hindi kagustuhang pangyayari. Akala ko ay iisa lang sya. Marami pala sila.

'You cannot guarantee safety here.'

Atticus is right, your safety is not safe here, pahirapan kung makaligtas ka at wala kang alam sa krimen dito. Napahawak ako sa sintido ko at marahang napa buntong-hininga.

Nakatulugan ko ang pagiisip ko ng kung ano-ano, nagising ako dahil sa lakas ng kalampag sa pintuan ko, tatawa tawang pumasok sa silid ko si Raine, hindi ko mawari ang kasiyahan na umaapaw sakanya ngayon.

"Oh my god, he chatted me! He replied wahh!!!" Ani nito habang hawak hawak ang unan ko at pinanggigigilan nya iyon, gawa ng kakiligan nya.

"Who?" Walang gana ko saad. Ikaw ba naman magising dahil sa ingay ng babaeng ito?! Psh.

"hihihi." Napairap na lang sa kanya.

Tumayo na ako sa higaan ko habang sya ay nasa higaan ko pa rin at paikotikot pa sa kama ko habang kayakap ang unan ko!! Para syang baliw sa ginagawa nya!!

Napatingin ako sa orasan, nanlumo ako ng makita ko kung anong oras na, ala-sais pa lang ng umaga! Napatingin ako sa gawi ng kwarto ko, nakabukas ang pintuan nito kaya kita ko ang pinag gagawa ng babaeng iyon, mas lalo akong nanlumo nang makita ko kung gaano na kagulo at kagusot ang kama ko!!

Naghanda na ako ng makakain ko, isinama ko na rin sa agahan ko ang babaeng iyon na hanggang ngayon ay parang siraulo pa rin na gumugulong sa higaan ko.

Napailing na lang ako habang nagsasaing. Lumabas ito sa kwarto nung nag piprito na ako ng bacon and eggs.

La Nueba Unibersidad: Last Section Where stories live. Discover now