Napapikit ako. Napapangiti. I can even smell the cologne she's wearing....hanggang sa ako'y natauhan bago pa man may mabuhay na maselang parte ng aking katawan.


Bigla akong napakurap. Agad akong bumangon at napailing ng sunud-sunod. This can't be. I don't have the luxury to waste time on fantasizing things. There's a case waiting for my whole attention.


Should I call her? Maybe hearing her voice could give me peace of mind.


Tumingin ako sa oras. It's almost twelve midnight. Gising pa kaya yun?


Di sinasadyang napatingin ako sa laptop. I was reminded about her blog. Naupo ako sa tapat ng kompyuter para alamin kung may bago siyang entry. I admit I'm partially stalking her these past few days.


Merong bagong post at napangiti agad ako pagkakita ko sa larawang bumungad sa akin, her cute smiling innocent face while hugging her new dog.


'My new baby... a very special gift from significant someone. :)'


Tumaas ang isang sulok ng aking bibig. If she knew I'm reading her page, would she still write this type of caption ?


Ang ganitong simpleng appreciation at flattery ay nakakapagbigay ingay na agad sa aking dibdib. But I'm still not completely plummeting on the spell of fairy tale.Significant someone? Ganito na ba talaga ang tingin niya sa akin o baka hindi niya lang gaanong naiintindihan kung ano ang ibig sabihin nito?

Napatingin ako sa oras ng post niya. It was only five minutes ago which means gising pa siya. I grabbed my phone. Walang pagdadalawang-isip na tinawagan ko siya.


Hindi pa man natatapos ang isang ring ay sinagot niya na ang tawag.


"Attorney, emergency po ba?! Nasa date ba kayo ngayon? Kailangan niyo ba ng saklolo?!"


I chuckled. Kahit sa telepono ay naiimagine ko na ang hitsura niya. Nagpapanic habang bilog na bilog ang mga mata.


"No. Nasa bahay lang ako," mahinahon ngunit natatawang pahayag ko.


"S-Sa bahay niyo dinala ang date niyo? S-Sinong kasama niyo? S-Si Ms. Hannah," biglang tamlay niyang sabi.


"No. I'm all alone."


"Wala si Ms. Hannah?!" Bumalik ang sigla sa boses niya.


"Wala."


"Kung ganun anong ginagawa niyo?"


"I'm reviewing an important case."


"Bakit kayo napatawag ng ganitong oras kung nagrereview naman po pala kayo ng kaso. May maitutulong po ba ako?"


Because you won't leave my head! Of course I can't say it.


She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon