Prologue

13.1K 250 11
                                    

CONFESSION

“Sevy? Nasaan kana? Akala ko ba aamin kana kay Kuya Tyler?” tanong ng kaibigan kong si Crystal. Hindi ko alam kinakabahan kase ako. Para naman atang masyado akong mabilis. Aaminin ko matagal ko na siyang gusto pero kailangan ngayon na ba talaga ako umamin? Eto kaseng kaibigan ko palibhasa pinsan niya yung taong nagugustuhan ko ay excited na excited, para soon family na daw kami. Nahihiya ako dahil ni hindi nga man lang ako kinausap ni Sir Tyler simula nung dumating siya. Bata pa lang ay kilala ko na siya pero lagi niya akong sinusungitan. Lagi siyang galit at mainit ang ulo. Maliit na bagay lang ay kinaiinisan na niya. Kasama na ata ako dun, ang liit ko kase pero hindi ako bagay.

“Sandali lang naman Crystal, kinakabahan ako paano kung ma reject lang ako kapag umamin ako sa kaniya?” Hayss, iniisip ko palang nalulungkot na ako. Madami kase akong babaeng ka agaw sa kaniya. Sobrang dami nila as in, kapag hindi istudyante, teacher o kaya mga tindera sa canteen. Ang nakakainis pa ay may bago kaming kaklaseng babae at ang lapit niya kay Sir. Palagi silang nag uusap at sabay kumakain. Palagi rin siyang tinuturuan ni Sir sa mga hindi niya maintindihan na subject. Samantalang ako kahit bati lang hindi niya magawa. Ang unfair naman ng mundo. Bago lang sila nagkakilala tapos magiging mag jowa na agad sila? Not on my watch! Hindi ako susuko sayo Sir Tyler tandaan mo yan!

“Pero baka maunahan ka ni Darcie, papayag ka nun? Malapit pa naman sila ni Kuya.” aniya niya kaya nilakasan ako ng loob. Hindi siya pwedeng magka gusto kay Darcie. Siya yung lalaking matagal ko nang pinapangarap, hindi ko hahayaan na agawin lang siya ng bagong babae!

“Sige pupunta ako ngayon sa office niya.” lakas loob na saad ko bago maglakad papalayo. Sabi nga nila kung hindi mo susubukan hindi mo malalaman, malay mo may pag asa pala ako kay Sir.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang makarating na ako sa tapat ng office niya. Sinenyasan ako ni Crystal na simulan ko na yung gagawin ko at binuksan ko yung pinto. Naabutan ko siyang may pinipirmahan na papel. Malamig niya akong tiningnan bago magsalita.

“What are you doing here? And don't you know how to knock?” malamig na aniya niya. Walang emosyon ang muka niya at para bang nairita siya dahil sa akin. Mukang hindi magiging madali to.

“Sorry Sir, may gusto lang akong sabihin.” aniya ko na kumuha ng atensyon niya. Finally, kanina kase nakatutok siya sa ginagawa niya pero ngayon sa akin na siya nakatingin.

“What is it? Spit it out, I'm a busy person.” nagmamadali ka? Tsk mahalaga kaya yung sasabihin ko sa kaniya. Ako na mag fi-firstmove para sa future naming dalawa.

“I like you Sir. In fact i already love you.” saad ko habang namumula. Finally naka amin na din ako. Ano kayang isasagot niya? I love you too ba o gusto din kita? Halos mabaliw na ako pero nang mapatingin ako sa kaniya nawala ang ngiti ko. He looked at me emotionless before continuing what he was doing. Wala ba siyang isasagot?

“If you want an answer, I don't like you and you're the eighth girl who said those words to me. I'm not interested in you, your loud and annoying. I rather eat a sardines than date someone like you. Now leave my office.” malamig na ani niya. He rather eat sardines than date me? Alam kong ayaw na ayaw niya ng sardines pero mas ayaw niya sa akin? Grabe naman kaka amin ko pa lang rejected na agad? And I'm annoying? Naiinis ba siya kapag kinukulit ko siya? Lumabas akong matamlay sa office niya, nang papalabas ako ay nakasalubong ko si Darcie. Mukang kapag siya ang kasama ni Sir ay masaya ito. Bakit ba kase ako umamin? Ang sakit pala ma reject.

“What happened?” tanong ni Crystal nang makita niya akong malungkot. Hays, bakit ba ang manhid niya! Grade six palang ako gusto ko na siya, lagi ko siyang kinukulit noon habang nasa bahay nila ako habang kalaro ko si Tristan. Wait speaking of Tristan nasaan kaya yung lalaking yun.

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now