Kabanata 25 - Words, so much hurt.

Magsimula sa umpisa
                                    

    "Ilan ba ang tanong mo?" aniya rito na punong-puno nag sarkasmo ang boses. "Marami, sobrang dami at hindi ko na mabilang sa totoo lang. Marami sila oo, pero isang beses lang naglapat ang mga katawan namin! At sa mga lalaking iyon isa ka roon hindi ba? Baka lang nakakalimutan mo. Pero ikaw, maraming beses mo akong natikman, Aidem nang paulit-ulit pa nga!"

    Muli niyang hinatak ang braso na hawak pa rin nito at this time, tagumpay niyang nagawa iyon. Mabilis siyang umahon sa kama at tinabig pa ang binata nang daanan niya ito. Hinanap niya ang mga damit na suot at masuwerti naman na nakita niya iyon na nagkalat sa lapag. Iba-iba pa ang pwesto ng mga animal na mga saplot niya. Kung saan-saan na lang siguro ibinato ng walanghiyang nakaniig niya kagabi.

    'Huwag lang magkukrus ang landas natin lalaki ka dahil talagang babawian kita sa ginawa mong pang-iiwan sa akin dito,' aniya sa isipan.

    Matandain siya sa mukha ng mga nakaka-one nigth stand niya kaya nga kapag nakaka-encounter niya ulit ang mga ito at nais ulit makipag-sex sa kaniya hindi na siya pumapayag. Dahil sapat na sa kaniya ang isang beses lang at pagkatapos niyon ay itatrato niya ang mga ito na parang hindi nakilala. Ganoon siya ka liberated na babae noon. Noong hindi pa nagkakaroon ng something sa kanila ni Aidem.

    First time rin niya may maka one nigth stand na nagising siya na wala na ang nakaniig. Palagi kasi siya ang nang-iiwan sa mga ito. Tapos sa kaniyang paggising ay ang magigisnan niya ang Palakang ito na parang asong nakatanghod sa kaniya na para siyang lumpiang hubad na pagkain na nakalagay sa plato.

    Dahil talagang naiinis siya at masiyadong nasaktan sa mga sinabi nito ay binaliwala na lamang niya ang mga nais sanang itanong pa rito.

    Nang madampot ang red panty niya ay isusuot na niya sana iyon nang biglang hinablot ni Aidem iyon mula sa kaniyang kamay na ikinagulat niya.

    "Anong ginagawa mo? Akina nga iyan!" inis na saad ni Angel sa binata at pilit inaagaw ang panty rito. Para siyang batang inaagaw ang laruan na kinuha sa kaniya bigla.

    Itinaas naman iyon ni Aidem gamit ang isang kamay. Iyong hindi maaabot ni Angel pero pilit iyon inaabot ng dalaga.

    Mabilis na umatras ang binata at sa isang iglap ay  winasak niya ang red panty ni Angel. Madali lang niya iyon nawasak dahil manipis lang ang tela niyon.

    "Gago kang talaga eh, noh! Bakit mo sinira ang panty kong walanghiya ka!" Singhal niya rito. Parang uusok na talaga ang ilong niya sa inis. Mabuti na lang at pa-tube style ang mini dress niya. Iyon na lamang ang isusuot niya dahil kaya na niyon matakpan ang kaniyang pang-ibabang bahagi.

    Dadamputin na lamang sana niya iyon pero ang billis ni Aidem na nadampot iyon at sa kaniyang pagkagulat ay pinunit din iyon ng gago. Paano siya lalabas nito kung wala siyang suot na kahit ano.

    "Baliw ka na ba?! Bakit sinira mo rin iyan. Napaka gago mo talaga! Anong isusuot ko na niyan?"

    Nagkibit balikat lang ito at tila nang-aasar pa ang pagkakangiti sa kaniya.

   "Mag-isip ka ng paraan kung ano isusuot mo sa paglabas mo rito," wika ni Aidem.

    "Ah, ganoon ba ang gusto mo?" Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito bigla. "Mag-isip pala ng paraan ha," aniya. Lumapit siya rito Tsaka hinawakan ang suot nitong polo shirt. Iyon ang isusuot niya. Alam niyang aabot iyon sa kalahati ng hita niya kapag isinuot niya iyon.

    "Hubarin mo ito at iyan ang isusuot ko." aniya" Isa-isa niyang pinag-aalis ang mga butones sa suot nitong polo. Hindi naman pumapalag ang binata. Tatawa-tawa pa ang loko.

    "Take it easy okay."

    "Take it easy mong mukha mo. Gago ka! Sinong magiging easy sa ginawa mo eh, tinanggalan mo ako ng susuotin sa paglabas dito, kaya akina ito ako ang magsusuot nito!" singhal niya.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon