03 - Dinner

Depuis le début
                                    

Hindi nila ako pinansin at para bang walang narinig. I was kinda speachless I didn't know what to say.

Knowing Papa, everything that comes out of his mouth is true, or he will make it true.

He kissed Mom on the cheek, saying Goodbye.

Nag lakad na papaalis si Papa pero bago siya tuluyang makalabas ay muli siyang bumaling saakin.

"Trust us for once, Aizen."

Trust? Bullshit.

.....


"May nahanap na ba kayo?"


"How about Las Vegas?"

Napangiti ako sa sinabi ni Pyke. "Ready me an apartment and a Medical school."

"Sure ka na ba sa desisyon mong mag layas at mag lahong parang bula?"

We both laughed.

"What else should I do huh? Ipapakasal nila ako? Naknampucha, anong kagaguhan yon? Bahala sila sa mga buhay nila."

Patuloy ako sa pag iimpake habang naka ipit ang cellphone sa aking teinga at balikat.

"Hmm... Asher already bought the tickets, Aeron booked you an apartment just now... And uhm, yours truly is already on its way to pick you up, so you better be done packing."

"Ang bibilis ah."

"We got you, boss."

Di kalaunan nahanap ko nalang ang sarili kong nasa kotse na ni Pyke, at papunta na sa Airport.

"Seryoso ka na talaga?"

"Oo nga... Nakakailang tanong ka na ah."

I got my phone and put it on DND.

"Kung gusto niyo, doon tayo mag Gig. Bisitahin niyo nalang ako."

May pera naman ako, kaya kahit icut off ng parents ko ang cards na pinapagamit nila sakin ay wala akong paki alam.

Nag kakakita rin kami ng malaki sa gigs gigs nayon noh, at hindi niyo alam, may-ari ako ng mga coffee shops sa mga high end city.

Oo, pinag mamayabang ko yon.

"Ano? Hindi kana babalik dito sa Pilipinas?" He chuckled,

"You and your impulsive decisions, Selene."


He turned his head while driving.

"What? Can you blame me, Pyke? Bigla nalang nag dedesisyon na ipapakasal ako. I mean matagal ko ng alam na ipapakasal ako sa anak ng business partner ni Papa, pero..."


He nodded understanding what I said even though it wasn't clear.

Naka tanaw lang ako sa bintana habang iniisip ko paano ako mabubuhay ng mag isa sa Las Vegas lalo na at sobrang biglaan ng mga pinag gagawa ko.

I was thinking deeply when I saw us passing by the cemetery.

Agad akong napahawak sa braso ni Pyke at pinatigil siya sa pag mamaneho.

"Daan ka doon." Utos ko at ngumuso.


He nodded showing a faint smile.

"Mukha hindi na matutuloy ang pag-alis mo..." Bulong niya pero narinig ko parin.

Pagkatapos kong bumisita sa sementeryo, hindi ko mapigilang mag dalawang isip kung aalis pa nga ba ako...

Ayaw kong iwan dito ang puntod na 'to.

Isang oras na kaming naka tambay dito at nakakailang fishball na itong kasama ko habang ako ay naka tulala lang at nag iisip ng kung ano-ano.

"Decide, Selene. I have a workshop to attend to in a few hours. Hindi pwede naka tanga nalang tayo sa harap ng sementeryo hanggang mamuti yung mga mata natin."

Bumuntong hininga ako at muling nag isip.

Napalingon ako ulit sa tanaw na puntod, at napikit ng mariin ng mabasa ang pangalan na naka sulat dito.

Para akong tinapunan ng malamig na tubig.

"Fuck it, bring me back."

"Predicted." Sagot ni Pyke at mabilis kaming bumalik sa sasakyan.

Mabilis lang kaming naka punta pabalik, o feeling ko lang mabilis dahil ang dami kong iniisip.

"Well... Good luck to you––"

"Naku!! Jusmeyo!!"

Nag taka kami ng tumatakbo si manang papunta saamin. Tila ba nakakita ng multo.

"What? Something happened?"


"Kanina pa po kayo hinahanap nila Ma'am! Kailangan niyo na pong pumasok! Ang akala po namin nag layas na ho kayo!"

I clenched my jaw not knowing what to say. Hinawakan ni Manang ang braso ko at hinatak papunta sa loob.

Hindi alam ang nangyayari, nag pahatak na lang ako habang nililingon si Pyke na ngayon ay naka ngisi at naka pamulsa habang naka sandal sa kotse.

Para pang naaliw ampota.

"Invite me to your wedding, boss!" Huling sigaw niya bago tumalikod.

Kinausap pa niya ang mga Guards at kasambahay namin, pinakuha siguro ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan, bago siya tuluyang umalis.

Napairap nalang ako sa hangin.

"P-pumasok na ho kayo, ma'am... Kanina pa po sila nag hihintay..." Tila kabadong sabi ni manang at binitawan na ako.

Na sa harap na kami ng sliding door papuntang main Dining area.

"Sino sino silang mga nandon?" I asked.

"H-hindi ko po kilala ang iba ma'am, pero may magandang babae akong nakita..."

I frowned. "Poging lalaki meron?"

"W-wala po."


Fuck. Mas lalo akong kinabahan dahil doon.

Parang gusto ko nalang umatras...

Ipapakasal na nga lang nila ako, sa panget na lalaki pa.

"Pumasok na po kayo ma'am, mag hahanda lang po kami, para sa hahainin."

"Sige, salamat. Mag tira kayo para sainyo, wag niyong iserve lahat dito, kumain rin kayo." Seryoso kong sabi bago dahan dahang hinawakan ang pinto.

Umalis na si manang kaya't umayos ako ng tayo. I cleared my throat and composed my self before sliding the door.

"My apologies for being late." I said in a cold tone.

Lahat sila ay naka tingin na saakin.

Gulat at inis ang naka ukit sa mukha nila Papa at Mommy. Habang ang kabilang pamilya na nakaupo ay-

I frowned when I saw Eleanor and her family. May kapatid bang lalaki itong maldita na ito?

"Meet your future wife."

My mind didn't function for minutes as Papa used his hand to point at Eleanor.

"Huh...?"

Mrs. and Mrs. Où les histoires vivent. Découvrez maintenant