CHAPTER 14 : CONFIRM

Magsimula sa umpisa
                                    


Bilib rin naman ako sa sarili ko dahil nagagawa ko pang makipagbarahan sa kanya kahit konting tulak na lang ay buking na buking na ako?


Paano ba kasi niya nalaman? Masyado ba talaga akong obvious o may naglalag sa akin? Si Ervis? Si Trav? Malaman-laman ko lang na sila ang may pakana nito, susunugin ko ang bahay nila. O talagang may sensitive at aware si Ren sa nangyayari at nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya? Gano'n siya ka-observant? Eh di, siya na talaga!


Inusog niya ang upuan sa tabi ko at umupo siya ro'n. Ang natitira kong lakas ay parang hinigop at parang gusto ko na lang mahimatay. Konti na lang ay bibigay na ako. Konting tulak na lang at mapapaamin niya na ako. Napatiim ako ng bagang. Kinagat ko ang dila ko para hindi makapagsalita dahil alam kong pag binuksan ko ang aking bibig ay mababaon na ang buo kong katawan sa kahihiyan.


"I'm your friend, George. I consider you as one of my friend kahit ramdam na ramdam kong awkward ka sa akin."


Muntik na akong mapamura. Talaga bang nararamdaman niya? Hindi ako makapaniwala. Ang hirap maniwala na may lalaking kayang manghula ng tama pagdating sa pinakaiingatang damdamin ng isang babae. Kung wala lang 'tong girlfriend ay mapagkakamalan ko 'tong binabae.


Tinapunan ko siya ng tingin. "Awkward lang, may gusto na agad? Hindi ba pwedeng mabaho ka lang?"


Muli na naman siyang natawa. "Parang ikaw talaga yung kakilala ko dati. Ganyan na ganyan. Sobrang denial. Halatang halata na ang nararamdaman pero nagdideny pa rin. Nabisto ko na pero hindi pa rin umaamin. Gusto yung pahirapan pa bago sabihin sa akin ang totoo." Ngumuso siya at tila napatitig sa kawalan. "Ewan ko kung tama ba yung pagkaka-analyze ko sa nararamdaman ko pero pag may nakikita akong katangian niya sayo, nari-realize ko na nakakamiss rin pala."


Ngumisi siya ng napakalawak at ginulo ang buhok ko. Tinabig ko 'yon at tinapunan siya ng masamang tingin. Kinuha kong muli ang kutsara at tinidor para ipagpatuloy ang pagkain ng lasagna roll.


"Wala akong aaminin sayo." Matabang kong sagot. Sinusupil ang lahat ng emosyon. Tila nagkakaro'n ng komosyon sa loob ng dibdib ko at pinipilit ko na lamang na umaktong normal.


Huminga ng malalim si Ren at tumingin na lang sa kinakain ko. Mas lalo akong naasiwa.


"Pag handa ka ng i-open up 'yan sa akin, kausapin mo lang ako anytime."


Muli akong natigilan. Bakit ko pa siya kakausapin? Ba't hindi niya na lang ako hayaan? Kung naghihinala siya, bakit kailangan pa niyang pakialam ang nararamdaman ko? Hindi ba pwedeng solohin ko na lang 'to, bahala na lang ako sa buhay ko at huwag na lang niya akong pakialaman? Because this is not his concern anymore. So, I don't understand. . .


"Kung ibang babae ka lang, hahayaan kita at hindi ako makikialam sayo. I know it's not my business anymore but it will always depend on the person involve."


Dinurog-durog ko na lang ang lasagna roll. Hindi ko talaga alam. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawang i-analyze ang nararamdaman ko. Hindi ako naniniwalang may mind reader sa mundo pero kakaiba talaga si Ren Delgado.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon