CHAPTER 39

567 26 8
                                    

Katie's POV

Bigla nalang akong nagising nang mararamdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

Kinapa ko ang mga katabi ko ngunit wala na akong makapa dahilan para maimulat ko ang aking mga Mata.

"Sh-Shawn? Knoxx?? Where are you?" Bumangon ako sa pagkakahiga at dumiretso sa kitchen Peru wala akong makitang tao ron Kaya lumabas ako ng bahay. Ngunit wala rin akong naabutang tao sa labas. "Shawn!! Nasaan kayo? 'wag nyo naman akong ewan dito oh!!!" Bw*sit naman eh bakit nila ako iniwan dito?

"Anyari sayo?"

"KKYAAHH!! WALANGYA KA ANONG GINAGAWA NYO D'YAN!!?" malakas na bulyaw ko ng Makita silang dalawa ni Knoxx na naka upo sa upuan dito sa labas ng bahay habang kumakain ng Buko

"You want Buko? Come here ang tamis ng sabaw" offer nito t*ngina parang walang nangyari ahh.

Nakasimangot na lumapit ako sa kanila at tinignan ang ginagawa ng mga Ito.

"Nasaan sila?"

"Hmmm maagang umalis may pupuntahan daw sila sa City" sagot ni Shawn sabay subo sa Buko nito.

"Anong trip n'yong dalawa? Agang-aga kumakain kayo ng Buko. Gutom ba kayo? At yan ang na tripan mo?"

"It's already 10 in the morning na Kaya and It's so masarap. First time Kung makakain ng original Buko yung walang halong chemical" inosenteng sagot naman ni Knoxx.

"Ikaw ang bata-bata mo pa mukha kanang matanda Kung makapag salita. Para kayong mag-ama eh noh? Lulusot pa kayong dalawa. Ikaw kamusta yang sugat mo?" Sabay turo ko Kay Shawn.

"O-okay lang masakit pag umubo, gumalaw o ma stretch ang katawan ko" simpleng sagot nito. "Gusto mo? Ito sayo nalang itong isang Buko"

"Ayaw ko" saka ako naupo sa tabi nito. "Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sa kanya.

"Bukas siguro aalis na tayo. Hindi ko pa kayang maglakad ng malayo. Bakit gusto mo ng umuwi? Wala ka namang uuwian"

"Ikaw din naman wala ka rin namang uuwian"

"Uuwi akong Australia. Alam Kung nandon ang Mommy ko" gulat na napalingon ako rito ng bigkasin nya ang katagang yun.

"Uuwi Kang Australia? Pa-paano ako? Sabi mo sa bahay ko tayo uuwi?"

"Yah, Peru. Hindi naman forever akong titira sayo. I have a family at my sarili rin akong bahay yun nga lang wala sa Pilipinas Kaya. I'll stay with you for a meantime"

"Pa-paano ako?"

"A-anong pa-paano ka? Nandyan naman ang mga Pinsan mo at isa pa hindi tayo forever na magkasama. We're not in a relationship and I'm not your husband" OUCH! hindi naman masakit yung sinabi nya.

Sa halip na magalit natawa nalang ako para kahit papano hindi naman mahalata na nahihiya ako sa pinaggagawa ko.

ang sakit naman nyang magsalita. Ang tanga-tanga ko kasi eh bakit ko ba kasi yun sinabi eh wala namang kami. Hindi manlang sya nagpasalamat sa akin na ako yung nandyan sa tabi nya sa loob ng walong taon. Ako yung kasa-kasama nya nong mga panahong nangangailangan sya. Peru, ako na kailangan ko sya hindi manlang nya ako pagbigyan. Well, sino nga ba ako para pagbigyan nya hindi nga kami close at magkakilala nito eh kung hindi dahil kay Gellica.

LOSING HIS VIRGINITY (COMPLETED)Where stories live. Discover now