CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK

Start from the beginning
                                    

"kung chaka ako ano ka pa?!" sabi ni Lester, pero kapag gabi sya si leslie. Minsan nga naaawa ako sa kanya kasi sya yung palaging inaapi nung iba pang kapederasyon nya. Sya yung sinasabunutan, sya yung pinagbibitbit ng bag. At kapag pangit sya sa picture pilit pang zinuzoom ng mga barkada nyang bakla tapos tsaka sya pagtatawanan.Scholar kasi sya at sa pagkakaalam ko hindi sya mayaman katulad ng ibang estudyante dito.

"whatever POORita Jones ka kasi at maraming galis aso duuuh?!" sabi naman nung isa pang bakla na si Emmanuel. Sa gabi sya naman si Emmie or kris. Etong bakla na to, ubod lakas kung manlait. MAYAMAN kasi sya sa pagkakaalam ko.

"bakit kayo nag aaway mga chakang bakla?" dumating naman si Jomari, Sa gabi.. Sya si Abby. Sa kanilang magbabarkada, si Jomari ang pinakamatangkad. Tapos yung porma nya katulad nung kay Vice ganda. Etong bakla na to ang pinaka Mal*ndi sa kanila. Lahat na lang yata ng lalakeng makita crush nya. Pero.... Matalino rin yansi Bakla. Kaya bilib din ako dyan eh!

Naputol yung panonood ko sa pagtatalo nila ng biglang mag vibrate yung phone ko.

1 new message

Life without you would be like a broken pencil... pointless

GM.

Frm: Wifey

Okay na sana eh, napangiti na ako kaya lang.. May Gm pang nakalagay. Tsaka bakit ba kasi pinapadaanan nya pa ako ng Gm nya?! Baliw ba sya? Nakakainis! Nagsisimula na tuloy masira ang araw ko!

KIM'S POV

Life without you would be like a broken pencil... pointless

Sa totoo lang hindi naman GM yun eh. Kay Andrew ko lang talaga yan tinext. Ewan ko ba sa sarili ko. Natorpe ako eh. Kaya ayan nilagyan ko na lang ng GM para hindi halata. Pero napaisip ako. Kung paiiralin ko yung pagiging torpe ko. Eh, walang mangyayari. Baka panghabang buhay na kamingmagkagalit ni Andrew. Syempre hindi naman ako papayag nun.

Actually, may naisip na akong paraan.. Kaya naman pumunta ako sa school ni Andrew. Pagdatng ko dun, namangha talaga ako ! Gosh! Ang laki laki pala ng school ni andrew. Siguro kung dito ako mag aaral maliligaw ako. Halatang mayaman din ang mga nag aaral. Sa kilos pa lang kasi nila mahahalata mo na. Napaisip tuloy ako.. Hindi pala malabo na makahanap ng iba si Andrew. Ang daming magaganda dito eh. Samantalang ako... Walang wala sa kanila. Naku! Mamaya na ko mag eemote! Dapat magawa ko na yung panliligaw ko kay Andrew. Pero paano ko naman gagawin yun kung wala akong kakilala dito?

"bakla, ayan yata yung jowa ni Papa Andrew."

"sure ka? Parang di naman?! Buntis na eh!"

"alam mo, bakla wala kang kwenta basta yan yung jowa ni Papa Andrew."

Lumingon ako sa dalawang nagsasalita. Paano ba naman kasi ang lakas lakas magsalita kulang na lang lumapit sa tenga ko at dun nila isigaw yung pinaguusapan nila. Paglingon ko dalawang bakla ang nakita ko. Tumingi lang ako sa kanila baka kasi bigla nila akong sabunutan eh. Pero, maya maya lumapit na din sila sakin.

"hi I'm gandang Paul." sabi nung paul. Sa totoo lang mukha syang lalaking lalaki. Nagdadalawang isip tuloy ako kung bakla ba talaga tong paul na to.

"don't worry, bakla talaga yang si Paul kamukha nya lang talaga si Philip Salvador.Pauleen yan pag sumapit na ang dilim. Btw, I'm Yasser. Yassy kapag sumapit ang dilim. Ako ang pinakamagandang nabubuhay na bakla."

"kapal ha bakla, kamukha mo nga si Lito Lapid eh. Nga pala, di ba ikaw si Kim? Yung jowa ni Andrew? Classmate namin yung jowa mo, Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Paul. Mukha naman syang mabait kahit na mukha syang action star.

uy sakto! Mehehehe mukhang di na ako mahinirapan ah. Kakapalan ko na talaga mukha ko sa mga oras na to.

"aaah.. Nagkagalit kasi kami ni Andrew. Gusto ko sanang ligawan sya. Sana matulungan nyo ko sa plano ko."

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now