Chapter 1

2 1 0
                                    

Chapter 1

Ligtas na nakalapag ang eroplano sa kabila ng masamang panahong dulot ng bagyong nasa hilagang bahagi ng Pilipinas. Tila ba'y ang masamang panahon ang pumipigil sa akin sa aking pagbalik sa bansang aking kinalakihan.

Dada nang dada ang iba sa kakakuwento sa mga naging pagyayari namin kanina sa himpapawid. Ang iba naman ay hindi pa rin makapaniwalang nalampasan nila ang masamang pangyayaring 'yon. Maski ako ay halos hindi na makahinga nang masilayan sa bintana ang itim na ulap na minsan ay umiilaw dulot ng kidlat.

Busy ako kakalikot ng telepono nang may biglaang yumakap sa akin. Mahigpit 'yon na parang papatayin na ako. Napangiwi ako nang marinig ang hagulhol ng aking kaibigan na si Silver.

“I...can't...breath...”

Mabuti nalang at kumalas siya mula sa pagkakayakap niya sa akin at nakahinga ako ng maluwag.

“Are you going to kill me, Seyl?” Binigyan ko siya nang masamang tingin pero ngumisi lang siya. Nagmumukha na siyang baliw dahil umiiyak siya pero nakangisi. Para siyang ewan.

“Nag-alala ako,” anya at biningwit ang luggage ko. “Akala ko tinangay ka na ng masamang hangin, Euna.”

Napairap nalang ako sa turan niya. “Ang drama mo. Alam mo ba 'yan?” natatawang sambit ko.

“Ano naman kung madrama ako, ha? Nag-alala na nga ako sayo. Eh, bakit ka pa kasi umuwi? Alam mo namang may bagyo 'di ba?”

“Hindi. Hindi ako naka-follow sa PWFN, at tsaka wala na akong oras para tingnan ang klima ng Pilipinas. Hindi ko naman alam na bagyo ang sasalubong sa akin.”

“PWFN?” nag-iisip na tanong nito.

“Philippine Weather Forcast News.”

Nakita kong napangiwi siya. “May gano'n ba?”

“Bakit? Wala ba?”

Saglit niya akong pinakatitigan at tsaka malakas na tumawa. “Napasobra ka na sa buhay amerikana, ah. Maski PAGASA hindi mo na matandaan?”

Ah, PAGASA pala 'yon?

Hinayaan ko na lang siyang tawanan ako. Tutal ganito naman siya palagi kapag naiisahan ako. Matapos naming makalabas sa airport ay nagtungo kami sa isang restaurant para maghapunan. Kinukulit niya akong magk'wento sa buhay New York kaya napahaba ang oras namin sa hapag. Napag-isipan lang naming umuwi nang tumawag ang Papa niya.

Ibinaba niya ako sa labas ng building ng aking condominium unit.

“Maam Eunice!” tuwang-tuwang bungad ng guard sa akin. “Nakabalik na po pala kayo.”

“Gum'wapo po kayo, Manong Albert,” pabiro kong sambit.

“Talaga po, Maam? Ganito po talaga pag tumatanda, gumag'wapo. Parang katulad niyo po, gumanda po kayo lalo.”

“Lakas niyo pa rin mambola,” sinundan ko 'yon ng tawa. “Mauna na po ako, Manong, mukhang lumalalim na po ang gabi. Good night po!”

“Good night po, Ma'am!”

Tumuloy na ako sa elevator at pinindot ang tenth floor. Dalawang condominuim unit lang ang nasa huling palapag, at ang isa ay pagmamay-ari ko. Malawak at mas malaki ang room na naroon kumpara sa ibang condo. Hindi rin naman biro ang halaga no'n kaya dapat lang na luxurious 'yon.

Napahinto ako sa harap ng aking pintuan at tinipa ang aking passcode. Bahagya pa akong kinabahan nang magpula 'yon, nagsasaad na mali ang in-input kong numero. Pero agad rin naman akong napahinga ng maluwag nang maalala kong pinalitan ko pala 'yon ng bago.

Hello, Stepbrother!Where stories live. Discover now