"Hindi ko nacontrol ang sarili ko, Oniria! I'm sorry"sinibukan nyang lumapit pero umatras ako.

Hindi na sya ang kilala kong dad, hindi naman sya ganito noon pa, his a good father pero hindi ko alam kung bakit sobrang daming nagbago sa kanya.

"Stop calling me, Oniria! Kalimutan mo ng naging anak mo ako"sabi ko at tinalikuran sila.

"Blare"pareho ni lang tawag sa'kin pero hindi ako nakinig.

Pumasok ako ng kwarto ko at nilock ang pintuan, kinuha ko rin ang malaking maleta ko at nilagay ang ibang gamit ko.

Ayoko ng tumira dito.

Pagod na pagod na akong umintindi sa ugali nya, galit na ako kay Dad.

"Blare"rinig kong tawag ni Mom sa'kin sa labas.

Hindi ako sumagot at tinuloy ang pagpasok ng mga gamit ko sa maleta.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na rin, ayokong mahanap nila ako.

Ayokong tumira kay Bryle dahil madali lang nila ako mahahanap.

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa maleta, binuksan ko na rin ang pinto ng kwarto ko.

Kita ko si Mom na patuloy sa pag-iyak.

"Blare, wag mo kaming iwan"pag-pigil nya sa'kin pero hindi ako nakinig.

Ayokong umiiyak pero nahahawa na ako.

Walang mangyayari maganda kung palagi na lang ako dito sa bahay at kontrolin lang lahat ng desisyon ko.

Huminto ako sa harap nya.

"Tatawag pa rin ako sayo, Mom"gusto ko lang talaga lumayo kay Dad.

Inipit nya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

"Take care honey, gagawin ko ang lahat, bumalik lang ulit sa dati ang daddy mo"patuloy ang pagbuhos ng luha sa mata nya.

Tumango ako.

Gusto kong ibalik 'yun daddy na palagi lang masaya at walang ibang iniisip kung hindi ang makakabuti para sa pamilya namin.

Pagbaba ko naabutan ko syang nakaupo sa sofa.

"Balang araw pagsisihan mo rin lahat mg desisyon mo at marealize mong tama lahat ng desisyon pinili ko para sayo"sigaw nya.

Tumigil ako at liningon nya.

"Sana magawa mo yan para sa'yo, dad"ani ko at lumabas na rin ng bahay.

Pumara ako ng taxi, sinandal ko ang sarili ko.

Wala akong pagsisihan sa desisyon ko, sarili ko naman ngayon ang iisipin ko.

Tumigil ako sa hospital, nagtataka ang mga tingin ng mga tao sa'kin dahil sa laki ng dala kong maleta.

Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok kung saan naka confine ang ang anak ko.

"Blare"gulat na tawag ni Bryle sa'kin, halos tumakbo na sya sa paglapit at hinaplos ang pisngi ko.

"Nauntog lang ako"inalis ko ang kamay nya.

"Walang nauuntog ng-"hindi nya natuloy ang sasabihin ng bigla akong hapitin ni Venezio sa bewang ko. Napalingon ako sa kanya.

"Did he slap you?"sinuri nya ang pisngi ko, iiwas sana ako ng tingin ng hawakan nya ang pisngi ko.

Inalis ko ang kamay nya.

"Nauntog lang sabi ako"lalayo na sana ako pero ayaw nya akong bitawan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang lapit namin dalawa.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)On viuen les histories. Descobreix ara