Matapos ng konting chikahan nila ay pumunta na siya sa mauupuan niya. Sa kanilang magkakaibigan ay si Dhianne ang huling grumaduate ng college. Nauna sa kaniya ang mga kaibigan niya dahil na rin sa late na siyang nag college kaya siya ang huli na dapat ay sabay-sabay sila.

Pero kasabay niya namang grumaduate si Katey at mga kaklase niya kaya hindi naman siya gano'n kalungkot.

"Hi, teh!" masiglang bati sa kaniya ni Katey nang makita na siya nito.

At dahil nga magkasunod lang sila sa alphabetical order sa master list nila ay magkatabi sila ng upuan.

"Low." nakangiting bati ni Dhianne kay Katey at naupo na sa tabi nito.

Agad namang yumakap si Katey sa balikat niya at sinandal pa nito ang ulo sa balikat niya na ikinatawa niya na lang.

"I'm so proud of us! Can't wait to be a doctor hihi." tuwang-tuwa na sabi ni Katey.

"Hmm, ako rin." sabi lang ni Dhianne habang nakatingin sa harap nila.

Alam niyang pagkatapos nilang grumaduate ay marami pa siyang kakaharapin. Alam niyang ilang taon pa ang lilipas bago siya tuluyang maging doctor at hihintayin niya ang araw na 'yon.

Handa siyang magtyaga para sa pangarap niya. Alam niyang hindi ito magiging madali sa kaniya pero para sa pangarap niya ay kakayanin niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nag-umpisa na kaya natahimik na sa pagdadaldalan sila Katey at Dhianne, gano'n rin naman ang lahat.

Umalis rin naman sila sa kinauupuan nila dahil need na nilang pumila. Pipila muna kasi sila kasama ang isang parent o guardian nila para pumunta sa upuan nila. Siyempre hiwalay sila ng parent o guardian ng upuan.

Hindi lang sila pumila agad kanina dahil medyo magulo pa kaya naupo na lang muna sila sa upuan nila.

Ang sasama kay Dhianne sa pila ay ang Daddy niya. Gano'n kasi ang napagkasunduan. Lahat ng babae ay tatay ang kasama sa pila at kung wala man ang tatay ay ang nanay na lang. Sa mga lalaki naman ay nanay at kung walang nanay ay tatay. Kung parehas wala ay guardian na lang o kung sino mang pwedeng sumama.

"Hi, Daddy." nakangiting bati ni Dhianne sa Daddy niya ng tumabi na ito sa kaniya.

Nakangiting inakbayan naman siya ng Daddy niya at hinalikan siya sa gilid ng noo niya.

"Big girl ka na. Congrats, my princess." malambing na sabi ng Daddy niya sa kaniya.

"Thank you, Daddy. I love you." she said happily.

"I love you, princess." sabi rin ng Daddy niya at maya-maya lang ay nag-umpisa na. Nagsimula na ang tugtog which is need na nilang magmartsa.

Sa dami nila ay matatagalan ang graduation ceremony nila. Aabutin rin siguro ng tatlong oras. Siyempre, marami pang eme tuwing graduation. Maraming sasabihin ang mga taong nasa stage. May mga speech pa ang mga ito.

Pero hindi maiwasan ni Dhianne ang maexcite at kabahan dahil may surprise siya sa pamilya niya. Hindi niya ito sinabi sa pamilya niya dahil gusto niyang surpresahin ang mga ito.

"See you later again, princess." sabi ng Daddy ni Dhianne nang magkahiwalay na sila.

Hindi niya na 'yon nasagot dahil nakalayo na ito. Umayos na lang siya ng tayo sa harap ng upuan niya ng may malaking ngiti sa labi.

Nang matapos na ang pagmamartsa nila ay nagsimula ng magdasal at kantahin ang lupang hinirang at marami pang iba bago sila tuluyang pinaupo.

Dahil nabored na sila Dhianne sa pakikinig sa harapan ay nagchikahan na lang silang dalawa ni Katey. Hindi na pinagtuunan ng pansin ang pinagsasabi ng nasa harapan.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now