Tumalikod ako at unti unting naglakad palayo.

Pagpasok ko ng sasakyan ko, sinandal ko ang sarili.

Anong ibig sabihin ni Venezio? May hindi ba sya sinasabi noon sa'kin, anong nangyari ng macomatose ako?

Sa lahat ng tanong ko isa lang ang makaksagot, Yun ay si Venezio.

Tama ba lahat ng nararamdaman ko kay Stella? Pero si Athena ang mommy nya.

Ginulo ko ang buhok sa sobrang pagkalito ko. Uminom na ako ng gamot, sumakit bigla ang ulo ko.

Agad agad akong umuwi ng bahay, tangin si Mom lang ang naabutan ko.

"Mom"tawag ko sa kanya.

Tinigil nya ang ginagawa at liningon ako.

"What happened?"lumapit sya sa'kin at sinuri ako.

"May hindi ba kayo sinasabi sa'kin, Mom?"bumagsak ang balikat ni Mom dahil sa tanong ko.

Sa reaction nya pa lang alam ko ng meron.

Tumalikod sya.

"Sasabihin ko lahat ng nalalaman ko, pero pangako mo sa'kin, itatago mo lahat sa daddy mo"liningon nya ako.

Nginitian ko sya.

"Promise! Mom"

Pumasok kami ng kwarto ko, nagtaka ako dahil sinisigurado nyang walang makakarining ng usapan namin dalawa.

"Kaunti lang ang nalalaman ko Blare"

"Mom, sabihin nyo na lahat sa'kin"nalilito na ako kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari.

"You're daughter is alive"isang salita nya pero gumuho lahat ng mundo ko.

"What did you say, Mom?"gusto kong makasigurado na tama lahat ng narinig ko.

"You heard it, Blare!"

Kung buhay ang anak ko, asan sya?

"Mom, asan ang anak ko?"nagsisimula na rin tumulo ang luha ko. Iba 'yun excitment ko ngayon.

Hinawakan ko ang kamay ni Mom.

Atat na atat na akong malaman kung nasaan ang anak ko, gusto ko na sya makita.

"Hindi ko alam"sagot ni Mom.

Bumagsak ang kamay ko.

"P-paano mo nalaman buhay ang anak ko, pero hindi mo alam kung nasaan sya?"hindi ko na alam kung maniniwala pa ako.

hinawakan ulit ni Mom ang kamay ko.

"Trust me, Darling! Buhay ang anak mo, ang apo ko,"ani nya at mukhang sigurado sa sinasabi.

Inaya nya akong umupo sa kama ko.

"You should ask Venezio, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako noon, pero nakikita ko syang dumadalaw sa hospital"

"Ano?"grabeng stress naman ang binigay sa'kin ni Mom

"If i'm not mistaken, may nagdalang lalaki sayo sa hospital bago namin nalaman na-aksidente ka"pagpapatuloy nya.

Napahawak ako sa ulo ko.

Buhay ang anak ko pero hindi ko alam kung nasaan sya.

Dinadalaw ako ni Venezio sa hospital? Pero bakit nga ba?

Sinong lalaki ang naghatid sa'kin sa hospital?

Hindi natuloy ni Mom ang sasabihin ng dumating si Dad. bakit ayaw ni Mom malaman ni Dad lahat ng alam nya? May kinalaman ba si Dad sa lahat?.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now