Prologue

3 0 0
                                        

Tumigil ako sa labas ng pintuan ng classroom namin. Nauna ng pumasok si Ven at Rhy sa classroom nila samantalang ako'y nag-ayos pa sa loob ng CR dahil umiyak ako kanina.

Ito ang unang pagkakataon na nahiwalay ako sa dalawa kong kaibigan mula ng magkakilala kami noong junior high school.

Ang mahirap pa ay dahil ito sa pakiusap ni Mommy sa aming Principal na ilipat ako ng section para maging kaklase ko si Travis. Pareho lang naman ang strand namin pero kahit pa! Buong isang taon ko nga siyang iniiwasan noong nakaraang taon at inaaway kapag nakakagawa siya ng pagkakataon na makalapit sa akin, tapos ngayon isang buong taon ko naman siyang magiging kaklase!

It's the second week already since the school year started. Hindi ako pumasok last week dahil nanatili ako sa Maynila para makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari nitong summer. Isa pa ay puro lang naman orientation ang mga nangyari last week kaya okay lang at wala pa namang importanteng ginawa.

Kakauwi ko lang kahapon dito sa Naga at ang malaman na hindi ko na kaklase sina Ven at Rhy kanina ay sobrang nagpagalit sa akin kay Mommy!

I called her and ranted on her at my phone a while ago. Sa sobrang galit ko sa kanya at sa katotohanang wala na akong magagawa kung hindi ang sundin siya ang nagpaiyak sa akin ng todo! Wala na akong magagawa eh, siya ang nag-enrol sa akin dahil pinagkatiwalaan ko siya! Hindi ko naman alam na may balak pala siyang ganito! Kung sana'y ako nalang ang nag-enrol sa sarili ko! Kung bakit pa kasi mas na-excite akong magpa Maynila at hindi na naghintay pa ng isang linggo para sana ako nalang ang nag-enrol sa sarili ko!

Hindi rin naman naging maganda katapusan ng summer ko dahil sa hindi ko inaasahang pagbisita ng mga Dela Concepcion sa bahay namin sa Maynila!

For years, I've managed to ignore Travis, kahit pa gumagawa siya ng pagkakataon na magkasama kami at magkausap. Sa mga pagkakataong ganoon, sinisigurado kong lagi ko siyang nasasaktan sa pamamagitan ng mga pananalita ko. Inuutusan ko siya ng mga kung anu-ano at mas lalo lang akong naiinis sa kanya at nagagalit pagkatapos dahil sinusunod naman niya lahat ng sinasabi at inutos ko! I'm not really mean, sa kanya lang.

Bakit? Dahil galit ako sa kanya.

Ang galit ko na inalagaan ko sa loob ng limang taon mula ng umalis sila papuntang New York ang dahilan ng lahat ng ito!

At nang umuwi siya last year, nag-aral ulit dito, at pumasok pa sa bandang gustong-gusto ko, bilang vocalist ang lalong nagpagalit sa akin.

For years I treated him badly. He tried to reconcile to me but I promised to myself that I will never ever forgive him.

But then, he still made a way! Two weeks ago, bumisita siya at ang kanyang mga magulang sa bahay namin sa Maynila! He managed to talk to my parents habang wala ako at nasa opisina! Nagulat nalang ako ng pag-uwi ko ng dinner ay naroon siya kasama ang mga magulang niya! Ang mas ikinabigla ko ay ang pag-iiba ng hangin sa hapag namin lalo na ng mapag-usapan ang tungkol sa aming dalawa! Travis was able to convince my Mom and Dad that he loves me and wanted to marry me!

Ang loko! Hindi na nahiya!

I defended myself alone. Nagdahilan ako na bata pa kami at gusto ko pang mag-aral ng college! May mga pangarap pa ako sa buhay at kung ano-ano pang mga pinagsasabi ko makawala lang sa kasal na ino-ooffer ni Travis!

But in the end, our family agreed to do it after our college years! That still pissed me! I just couldn't blurt it out in front of my family and his family because of their high expectations of me!

But now that we're back here in Bicol, I can't contain my anger anymore! To him and to our family!!!

Huminga ako ng malalim at naglakad papasok ng classroom. Halos naroon na ang mga magiging kaklase ko ngayong taon pati na ang aming adviser.

Watching from AfarWhere stories live. Discover now