Bumaba ako at nahalata naman siguro nya na may pupuntahan kami kaya agad nya akong pinagbuksan ng pinto

"Sa Xerxes Company po tayo kuya"

"Sige po Ma'am Xhayna"

After a long drive ay nakarating rin kami sa opisina, nagsimula na akong pumasok sa loob ng kompanya at hindi nila ako pinapansin hayst siguro ay hindi pa ako kilala ng mga tao dito. Nevermind alam ko naman office ni Dark.

I take the elevator para mabilis kong marating ang opisina ng asawa ko.. yeah i claimed him as my husband so what! Kasal kami diba?

Bubuksan ko na sana ang pinto ng opisina when someone grab my hand medyo matulis ang kuko nya kaya alam kong namumula ang pulsohan ko

"What the hell are you doing miss?" Mataray na salubong sakin ng isang sexy na babae base on her outfit ay dito sya nagtatrabaho

I check my wrist at hindi ako nagkamali medyo tumalab ang kuko nya.

"Pupuntahan ko si Mr.Xerxes" Wika ko

Medyo naging iba ang ekspresyon nya dahil sa sinabi ko. Sino ba toh? Pakilamera

Lumapit sya saakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"As far as i remember walang kameeting na babae si Mr.Xerxes ngayong araw kaya kung inaakala mo na makakapasok ka lang ng basta basta sa opisina nya ay nagkakamali ka.. masyadong importanteng tao si Mr.Xerxes para pag aksayahan ka ng oras kaya kung ako sayo umalis ka na bago pa ako tumawag ng guard para ipakaladkad ka" mataray na wika nya

Simula pala pero napipikon na ako. Calm down Xhayna! Patience! Wag mong ipahiya ng sarili mo, pero wag karing magpapatalo.

"Wala ba syang kameeting na babae? That's good actually your right masyado syang importante para mag aksaya ng oras sa babae, pero natanong mo ba sa kanya kung gaano ako kaimportante?" Mataray na wika ko

Lumapit pa ako ng mas malapit sa kanya at nakipagmataasan ako!

"I'm not just nobody ms. Kilalanin mo ang kinakausap mo" i whisper to her then gave a smirk

Muntik na akong matumba when he push me buti nalang napasandal ako sa pinto kung hindi tutumba talaga ako..

"Wala akong paki kung sino ka! At wala kang karapatan na pagbantaan ako kaya mabuti pa na umalis ka na bago mo pa maisturbo ang boss ko"

She's getting on my nerves!!

Akmang magsasalita na  sana ako ng maramdaman kong bubukas ang pintong sinasandalahan ko.

I close my eyes para intayin ang pagbagsak ko sa kabila nung pinto, pero sa halip na matigas na sahig ang bagsakan ko ay malambot ang sumalo sakin at unti unti ako napamulat dahil nakasandal ako sa dibdib ni...

Ni..

Ni...

Ni Dark na ngayon ay nagtatakang nakatingin saakin

"Fvck are you okay" agad nya akong itinayo ng maayos

I nod to him dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Shit!

"Ano bang ginagawa mo jan sa pinto?" Malumanay na wika nya

I was about to speak pero umextra nananaman itong babae sa harapan namin. Tingnan natin kung hindi ka mapahiya

"Mr. Xerxes pasensya na kayo, kanina ko pa po pinaalis ang babaeng yan" Mataray na wika nya habang tinuturo ako. I rolled eye's to her.

Pahiyaan ang gusto mo? *Smirk* I'll give you one..

My Wife Revenge Where stories live. Discover now