OS 1: Magic

12 1 0
                                    

MAGIC



"Thank you. We are Bandalism. Good night people!" sabi ng vocalist ng banda na si Nelson.

Masigarbong palakpakan naman ang pinukaw ng mga tao sa restobar. Pati ako nakipalakpak rin. Haaaaay.. Nelson Costelo. Ang pinaka-gwapong nilalang na nakita ko sa talam-buhay ko.

Mahabang ilong. Matangkad. Nakakaakit na labi. Magagandang mata. Mahabang pilik mata. Kayumanggi ang balat. Walang pimples, o ni pores ka na makikita. Matalino. Mabait. Gentleman. Syempre, talented. At isa pa. Mahal na mahal ko..

Hindi ko alam kung kailan nagsimula e. It just hit me nung time na nakita ko na may humalik kay Nelson sa pisnge. Ang malanding 'yon! I wanna sprang free the beast that's inside me that time.

Gusto kong manampal at sumugod. Gusto kong sumabunot ng buhok. Alam kong iba na kaagad ang tingin ko kay Nelson sa simula palang, but I opted to ignore it sa dahilang ayaw ko masira ang friendship namin. It was hard. Definitely hard. Trying to ignore every butterflies I felt in my belly whenever he smiles. Denying every electrifying feeling every time our skins touched. Every frozen moment when we are together. But above all, that heart stopping gaze of his that made me fall even harder..

Nagsibabaan na ang grupo at tinanhak nila ang direksiyon papunta dito sa lamesa ko ng nakangiti.

"Okay ba, Gwen?" tanong ni Nelson pagkatapos ay tumabi saakin. Sa oras na nagdikit ang braso namin ay kaagad akong natuyuan ng laway at pati balahibo ko ay mistulang nagsitayuan. The Nelson Costello Impacts again.

I smiled at him warmly, "Super." tapos nag thumbs-up pa ako.

He messed my hair lightly, "Yan ang gusto ko sa 'yo eh." tapos tumawa siya. Lumabas tuloy yung cute na cute na dimples niya.

I chuckled as I pinched his cheeks, "Ang panget mo." pero alam naman nating lahat na sinungaling lang 'yon. Nakatitig lang ako sa mata niya ng magsalita si Brenan sa gilid ko, ang drummer ng grupo, kung kaya't napaiwas ako ng tingin. Sht. Kumakarera na naman ang puso ko.

"Oh tama na ang lambingan!" ani Brenan.

"Selos ka pre? Gusto mo maglampungan din tayo?" natatawang sabi ni Mike, ang keyboardist.

Umakto naman si Brenan na parang nasusuka. "Sht tol. Walang ganyanan. Alam kong gwapo ako but the affection you're feeling towards me is too much already! Nakakakilabot na. Sabog ka ba?"

Tawa lang kami ng tawa ng magsalita si Cyrus, ang bass guitarist. "Tayo nalang, Mike. Kj ni Brenan eh Hahahaha!"

"Ano ba!" naiiling na tawa ni Nelson. "Nandito si Gwen dude oh. Konting hiya naman sa babae." tapos nakita ko ang pagkamot niya sa batok niya. I find it so cute kaya hindi ko na namang mapigilang mapatitig.

"Asus! Hala Gwen oh! Alam mo ba 'yang si Nelson may--ammph!" hindi natuloy ni Cyrus ang sinabi dahil tinakpan kaagad ang bibig nito gamit ang kamay ni Mike.

"Anong-ano si Nelson, Cy?" nagtatakang tanong ko habang nakataas ang kilay. Hindi ko kasi mapigilang magtaka. Tungkol kay Nelson na iyan oh! Talagang maiintriga ako!

Umiling si Mike habang hinihila patayo si Cyrus na siyang inaalalayan naman kaagad ni Brenan.

"We'll catch up with you later. Cyrus, my man, needs to learn some few lessons." Brenan smirked as he winked at me. Nagpaikot nalang ako ng mata, trying to suppressed my curiosities. Pero bago pa sila makaalis narinig ko pa ang pag 'tsk-ed' ni Mike sabay sabing, "Panira ka talaga, Cy."

Okay?

What was that all about?

"Okay ka lang, Gwen?" nag-aalalang tanong ni Nelson. Tumango ako. "Gago talaga sina Cyrus."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon