Chapter 1

17 1 0
                                    

Ano ba naman to napakainit na nga ang tagal pa dumaan ng jeep. Lusaw na makeup ko sa sikat ng araw kahit naka payong. Nakita kong papalapit na ang jeep, nag madali nako pumila dahil madami kaming pasahero ang nag aantay dito. Salamat naman at hindi puno ang nasakyan ko ngayon.

"Kuya makikisuyo po ng bayad" sabi ko sa lalaking kalapit ko. Aba hindi ako pinapansin ni kuya dahil busy siya sa kasamang niyang babae. Magjowa siguro to kung maglandian wagas e. Wala na akong nagawa kundi iabot sa iba ang bayad.

Papasok ako ngayon dahil sinisipag ako charot masipag naman talaga ako pumasok dahil kelangan kong tuparin ang pangako ko sa aking mga magulang na maging isang piloto.

Ako si Scarlett Aldamma,18 years old, single but not available dahil marami pa akong pangarap na gustong tuparin muna bago humarot. Sayang lang dahil kapag nangyari yon ay hindi na makikita ng mga magulang ko na maging piloto ako dahil maaga silang namatay. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ng oras nayon. Buti nalang at may nagmalasakit na tulungan ako. Si Auntie Jade ang kumupkop sakin simula nung maulila ako. Bunsong kapatid siya ng papa ko at walang anak at asawa. Mukhang wala siyang balak magkaron ng sariling pamilya. Kaya siya na ang tumayong magulang ko mula noon.

Tumigil na sa school na pinapasukan ko ang jeep kaya nagmadali na akong bumaba. Pag pasok ko palang ng gate ay pinagtitinginan nako ng mga judgemental students dito sa school. Siguro ay dahil sa katotohanang scholar lang ako dito at may kaya lang sa buhay. Samantalang sila ay mga anak mayaman. Hindi ko nalang pinansin ang matatalim na tingin nila sakin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa room.

Nang makarating ako, naabutan kong may kanya kanya silang kwentuhan. Hinanap ng paningin ko ang nag iisa kong friend dito sa school na si Kelly. Isa rin siyang mayaman pero never niya ako kinahiya, sobrang bait niya saken at lagi kaming nagtutulungan sa mga schoolworks.

"Scarlett! nandyan kana pala. Come here may chika ako sayo dali" excited niyang sabi saken.

"Tungkol saan naman yan" tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba na may bago na naman kahalikan si Stacey kanina" sabi niya. Kung ako tatanungin, wala naman bago dun. Si Stacey Suarez ang pinaka malandi at attitude student dito sa school kung sino sino ang ka date niya. Parang pinakamatagal na umabot sa kanya ay 2-3 days lang.

"Hay nako hindi naman magtatagal yun. Next day makikita naten may bago na naman yun HAHAHA" sabi ko sa kanya. Biglang dumating ang prof namin kaya natahimik kaming lahat. Kelangan ko na talaga mag focus dahil malapit na ang examination namin.

5:00pm
Hay sa wakas uwian na, super haggard nako ngayon. Mag aantay na naman ako ng jeep, sana lang ay makasakay ako agad dahil lumalakas na ang ulan. Nag aabang ako ng masasakyan dito sa tapat bar ng may biglang pumarada na magandang sasakyan sa harap ko. Sa itsura palang nito mukhang mas mahal pa sa buhay ko. Nakakatakot magasgasan.

Pilit kong hinahawakan ng mahigpit ang payong ko dahil sa lakas ng hangin pero kinabahan ako ng biglang dumulas ito sa kamay ko at tumama sa windshield ng sasakyan.
Jusko wala po akong pera bakit naman ganito.

-----------------------------------------------------------
4:00pm

Isang malakas na ingay ng mga sasakyan ang maririnig ngayon sa south superhighway. Different kinds of supercars ang makikita ngayon dito. Mercedes Benz-AMG, Lamborghini Gallardo, Porsche GT 2RS, Mustang GT500, and Ferrari 488 Pista. Mukhang may drag race na nagaganap pero illegal ito kung dito gaganapin.

Magsisimula na sila ng biglang may paparating na traffic enforcers. Sa bilis ng pangyayari biglang umandar ang mga supercars na nandito. Sinusundan sila ng mga traffic enforcers gamit ang Toyota Hilux pero imposible naman nila maabutan ang mga ito.

-----------------------------------------------------------
Travis Zepeda Pov

I'm driving my Ferrari right now dahil baka mahuli kami ng mga pulis na yon. If nagkataon cut off na naman ang savings ko kay dad. I'm just enjoying my luxurious life. Walang problema at hindi complicated ang buhay na meron ako. I'm the only child in our family. We have a huge business empires kaya nagagawa ko kung anong gusto ko.

My mates decided to have a drag race here dahil mukha daw exciting. We knew this is illegal but tinuloy parin namen. Kayang kaya naman pakiusapan ng families namin ang mga pulis na yun. Sobrang bilis ng takbo ng sasakyan ko ngayon ng biglang nag ring ang aking phone.

"Dude where are you?" Louis asked.

" I'm driving right now, next time nalang naten ituloy. My dad will kill me pag nalaman nya to." I said to him.

"Okay kita nalang tayo sa hideout" he said. Pinatay ko  na ang phone para pumunta sa hangout place namen.

5:00pm

Kakapark ko lang dito sa tapat ng hideout namin. Papalabas nako ng sasakyan ng may biglang tumunog sa harap ng sasakyan ko. Nagmadali akong icheck ito at nagulat nalang akong isang payong ang gumasgas sa windshield. Nilingon ko kung sino ang may ari nito at nakita ko ang isang babae na naka jacket mukhang siya ang may ari dahil akma na niyang kukunin ung payong pero hinawakan ko ang braso niya.

"Look what you did to my car! May pambayad ka ba ng pang paayos niyan??" I said to her. Hindi ko na napigilan ang inis ko.

"So-sorry po Sir hindi ko po kase nahawakan mabuti ung payong, ang lakas ng hangin." she said in a nervous voice.

"Alangan naman ako mag paayos niyan? Kasalanan mo kung bakit nagasgasan yan" sabi ko sa kanya.

"Kuya wala po akong pera kahit tingnan mo pa wallet ko 20pesos nalang yan pamasahe ko pa. Sorry po talaga hindi ko sinasadya." she said.

"Dude! nandyan kana pala. Let's go inside mamaya na kayo mag LQ ng new girlfriend mo" Louis said while laughing.

"She's not my girlfriend. Ginasgasan nya ung windshield ko." I said to him.

"What's you're name?" I asked her.

"Scar--lett po Scarlett Aldamma" she said.

"Well Ms. Aldamma kunin mo na ung payong mo at umalis kana sa harap ko baka kung ano pa magawa ko sayo." I said to her kaya nagmadali siyang kinuha ang payong at agad na tumakbo palayo samin.



Captivated Love Where stories live. Discover now