CHAPTER 4: IN A RELATIONSHIP STATUS?

Comenzar desde el principio
                                    

"Ako," napalingon kami ng may magsalita. Hindi naman siya nakakatakot pero nasa mukha nito ang pagka-bossy at seryoso. Malaki din ang butas ng tainga nito at may piercing sa gilid ng kilay nito. Lumapit ito kay Sir Joshua pero malakas na sinuntok ito ni Sir sa sikmura kaya nawalan ito ng malay.

Napatakip sa bibig ang babaeng naglakas ng loob na mag presenta kanina lang. Kung nagkataon palang sumang-ayon si Si Joshua ay ito ang nasuntok sa sikmura.

"Ohhh," kami ng umikot ang blackboard at nakita namin ang isang glass door. Muling nagsara iyon at umikot muli para bumalik sa blackboard pero sa pagkakataon iyon ay isang malaking screen na ang pumalit sa blackboard at nakikita namin sila sa loob.

Lahat ng atensiyon namin ay natuon sa monitor at nakita ko rin ang kaseryosohan sa mukha ni Matt sa tabi ko. Titig na titig siya sa monitor at parang pinag aaralan niya ang mga nagaganap sa loob.

DANGER ZONE TAKES YOU IN YOUR WORST NIGHTMARE...

Sabi ng isang recorded voice sa screen. Nakita namin ang volunteer habang nakatayo lang at nakapikit ganun din si Sir Joshua. Ang sumunod na lumabas ay nasa isang madilim na sila at pinakita sa amin ang volunteer habang tumatakbo, puno ng dugo ang mga damit nito at umiiyak.

"NO!" sigaw nito ng may humawak sa mga braso nito. Umiling-iling ang nakatayong volunteer na akala mo nararamdaman niya talaga ang nasa isipan niya na ngayon ay nakikita namin.

Hindi ko na nakita ang sumunod na eksena dahil biglang tinakpan ni Matt ang mga mata ko at hindi lang iyon—niyakap niya pa ako at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "H'wag mong tingnan, 'wag mong pakikinggan," sabi niya at tinakpan ang mga tainga ko.

Togodog... godog... dog... dog... DOGDOG DOGDOG!

Anong nangyayari sa akin?!

Ilang minuto at tinanggal na niya ang mga palad sa tainga ko. Medyo itinulak ako ng kaonti at umalis na. Anong nangyari 'dun? Ha? Anong nangyari? Tapos na?! sa isip ko. Muling umikot ang blackboard at lumabas doon ang volunteer na pawisan, kaagad na nilapitan ito ng isang seksing babae pero galit na iwinaksi nito ang mga kamay ay nagtuloy-tuloy na ito sa labas.

Napasunod ang tingin ni Sir Joshua dito at napabuntong hininga.

"Okay class, dismiss!"


NAPATIGIL ako sa paglalakad ng makita ko si Matt habang seryosong kausap ang volunteer sa isang sulok. Napatakip sa mukha ang volunteer habang napapasabunot sa sarili nito, maya't-maya naman ang pagkausap ni Matt sa kanya. Pero hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Halos mapa-subsob ako ng may biglang bumangga sa akin mula sa likuran. "Ang luwag ng daan, Miss!" sabi ko sa isang babaeng naka-tattoo na yata ang kilay dahil lagi nalang iyong nakataas. Maarte itong naglakad at gamit ang hintuturo nito dinutdot ang noo ko.

"You don't know me so step aside, at wag mo ring ha-harang harang sa daraanan ko! Tabi!" sabi niya sa akin. Napansin ko kaagad na may mga alalay na ito. Ang isa ang taga dala ng bag niya, ang isa naman sa mga books niya at ang isa naman ay extra lang—kumbaga utos utusan. Well, this girl is really something. Mayaman ito dahil sa kutis palang at galaw nito, parang hindi pa ito nakakatikim ng hirap.

Muli niyang dinutdot ang noo ko. "Next time pag nakita mo na akong parating tumabi ka na, maliwanag ba?" sabi niya.

Taas noong nakipagtitigan ako sa kanya. "Wala akong paki-alam kung sino at ano ka pa, pero sa susunod na gawin mo pa kung ano mang ginagawa mo sa akin ngayon, sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso." naglakad ako palapit sa kanya, habang dahan-dahan naman siyang umaatras—nasindak yata. "Mayaman kalang, pero ako..." binulungan ko siya. "Pumapatay ako ng maarteng tulad mo."

Napalunok siya, at mabilis na naglakad palayo sa akin. Kaagad namang nagsunuran dito ang tatlong alalay niya.

"Humanda ka sa akin next time na hayaan mo silang gawin sayo ang nakita ko kanina," si Matt. Seryosong nakatingin siya sa akin, lalong lalo na sa noo ko. "Ngayong girlfriend na kita, ayaw kong mag papa-api ka sa kanila."

Togodog... godog... dogdog... godogdog...

Lumapit siya sa akin habang wala naman akong maapuhap na sagot sa sinabi niya. Kailan pa ako nawalan ng sasabihin? Putsa naman, oh!

Malameg parin ang pakikitungo niya sa akin dahil sa expression ng mukha niya. Hiwakan niya ang mga kamay ko. "I don't want you to call my name. Don't call me any, no endearments, just nothing."

"Baliw kana ba?"

Hinila na niya ako. Napatitig ako sa kanya, parang nakita ko na siya... saan nga ba? Hays, di ko maalala pero alam ko talagang nakita ko na siya dati. Bakit ba ang ilap niya? Bakit hindi ko mabasa ang mga naiisip niya? Bakit ang cold niya...

'PLEASURE ZONE' iyon ang nabasa ko sa nakaukit sa kahoy pag pasok namin sa loob ng isang gate. Inilahad ni Matt ang pulsuhan para matatakan ay sumunod naman ako. Hindi niya parin binibitawan ang mga kamay ko. "Eat everything you can," maya't mayang sabi niya.

"Mas gusto kong pumasok sa loob ng Playhouse," sabi ko sa kanya.

"Kakain tayo at hindi tayo maglalaro," reklamo niya.

"Eh, sa gusto ko ngang maglaro!" pagpupumilit ko.

Hinila niya ako papasok sa loob ng eat all you can 'house of foods'. Pilit na hinihila ko ang mga kamay ko pero mas lalong humihigpit lamang iyon. "Pagsinabi kong kakain tayo, kakain tayo!"

"At pag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!"

Huminto siya at hinila ako palapit sa kanya. Napapikit ako ng malanghap ang hininga niya dahil gadangkal nalang ang mga labi niya sa mga labi ko. "'Wag na wag mo akong susuwayin. Hangga't girlfriend kita, susunod ka sa gusto ko."

"Hindi mo ako girl—"

Togodog godogdog dogodog...

Hinapit niya ang baywang ko at mariing hinalikan sa mga labi. Hanggang sa malapit na akong madarag sa mga halik niya. Kakapit na sana ang mga braso ko sa batok niya pero kusa na siyang huminto.

"Sige, maglalaro nalang tayo," nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Napakurap kurap ako. "At puso ko ang taya," bulong ko.

Kami na yata... siguro?

BWA#1: Young Master & His Palaban GirL (PUBLISHED under DREAME)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora