Sa ilang minuto ko siyang pinagmamasdan ay para akong hindi nagsasawa, parang hinihigop nito ang aking kaluluwa at mga mata para siya'y panoorin hanggang siya ay matunaw.

Ngunit sa ginawa ko atang pagtitig sa kaniya ng ilang minuto ay naramdaman niya iyon, sa isang iglap lamang ay nakatingin na ito sa akin. Mariin na rin niya 'kong tinititigan, hindi ko malaman kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para hindi umiwas sa kaniyang mga tingin.

Hanggang sa ngumisi ito sa akin at biglang dinilaan ang kaniyang mga labi, sa hindi ko alam na dahilan ay napasinghap ako. Hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangan iyong gawin, bakit kailangan na gano'n ang gawin niyang kilos.

Ginawa niya ang mga bagay na iyon habang patuloy na hinahalo ang Bilo-bilo, nakadantay rin sa lamesa ang kaniyang kanang kanan niyang kamay. Ang paghalo niya ng Bilo-bilo ay ang tanging naririnig ko, ang pagkuskos ng kutsara sa kaniyang mangkok ay parang nagbibigay ng tensyon sa aming pagitan.

Agaran kong kinurot ang aking mga daliri dahil hindi na 'ko mapakali sa aking loob-loob, mas lumalalim ang kaniyang titig sa akin. Sinusubukan ang aking kakayahan na tumitig sa kaniya.

Parehas kaming babae. . . pero naaakit ako. . .

Posible ba 'yon? May gano'n ba? Puwede ba ang gano'n? Normal lamang ba iyon sa dalawang babae? Normal ba, na kumabog ang puso ng isang babae dahil lang sa titig ng kaniyang kapwa babae?

Lumunok ako dahil parang natuyo na ang aking lalamunan, narinig ko ang boses ni Ms. Margaret, kinausap nito ang kaniyang apo at doon lamang kami natigil sa aming tinginan. Umiwas ako at nakita ko itong lumingon sa kaniyang lola.

Dahilan din iyon upang bumalik ako sa reyalidad, kung paano ako nakaramdam ng ilang at kahihiyan. Tiningnan ko ang aking amo, na parang hindi ako kasambahay sa kanilang Mansyon. Muli akong lumunok dahil sa kaba, muli kong naramdaman ang aking lalamunan.

"Darling, try the Bilo-bilo," utos ni Ms. Margaret sa kaniyang apo.

"I don't want to eat, Grandma." She answered coldly.

"The Bilo-bilo, the food's taste is familiar." Sagot naman ni Ms. Margaret sa kaniyang apo, na ngayon ay hindi na nakatingin sa kaniya.

Pero ano? Familiar?

"All Bilo-bilo have a same taste." Laban ni Lady Priscilla.

Umiling-iling si Ms. Margaret hudyat na hindi ito sang-ayon sa sinabi ng kaniyang apo, para itong may nais iparating sa kaniyang nag-iisang apo.

"No,"

"I don't want to eat, Grand--"

"Just one bite?"

In the end, Lady Priscilla looked at her Grandmother and took a deep breath, she moved forward at sumubo sa kaniyang pagkain. Ngumuya ito ng ngumuya, dahan-dahan at sinusubukang lasahan ang pagkain na kaniyang kinain.

Napansin ko ang paunti-unti nitong pagtigil sa kaniyang pwesto, ang kaniyang pag-nguya ay unti-unti rin naging mas mabagal pa kaysa sa kaniyang pag-nguya kanina.

Ang kaniyang noo ay nangunot at ang kaniyang mga kilay ay kaunti na lamang at magdidikit na. Tumagilid ang kaniyang ulo, na parang may naalala.

"Masarap ba?" Tanong ni Ms. Margaret, "it's so familiar, right?" Tanong pa niya sa kaniyang apo.

Hindi niya ito sinagot at mabagal na nilingon ang kaniyang lola, nananatiling nakakunot ang kaniyang noo.

"Who cooked this?" Imbes sagutin ang kaniyang lola sa tinanong nito'y sinagot nito ang kaniyang lola sa paraan na patanong din. Unti-unti itong sumandal sa kaniyang upuan, habang ngumunguya.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now