CHAPTER 14

197 14 4
                                    

Hanamichi Sakuragi Point Of View..

Habang pauwi nako sa bahay ay nasalubong ko sina Rukawa, at Haruko, hindi ako naniniwala na may pinagawa si coach Anzai, sa kanilang dalawa dahil ng iniwan ko silang dalawa mukhang masaya si Haruko, na kasama niya si Rukawa.

Pagkalipas ng ilang araw..

Mas napapansin kong unting-unting naglalapit sa isa't-isa sina Haruko, at Rukawa.

"Ano bang meron diyan kay Rukawa, bakit parang nagbago yata siya ngayon?." Tanong ni Sendoh.

"Oh ano na Sakuragi, mukhang nagugustuhan na ni Rukawa, si Haruko." Sabi ni Ryota, na para bang gusto nya kong magselos kay Rukawa.

"Ano bang pake ko sa kanilang dalawa? At meron nakong iba noh." Sabi ko sa kanila.

Hindi naman sila naniwala sakin na wala na kong nararamdaman para kay Haruko.

"Sa tingin ko malabong mawala ang nararamdaman mo para kay Haruko, alam ko kase ang pakiramdam ng hindi makalimutan ang isang babae na kahit sabihin mopa sa sarili mo na HINDI KONA SIYA MAHAL.." Sabi ni Mitsui.

"Ano bang alam nyo sakin?." Tanong ko sa kanila.

Kung makapagsalita kase sila ay mukhang kilalang-kilala na nila ako..

Ngayong araw na magsisimula ang winter tournament, una naming makakalaban ay ang mga player sa distrito ng OSAKA..

Lumabas na muna ako sa locker room nang nakita ko sina Minami, at Kishimoto, na kinakausap si Yogani, ay nilapitan ko sila, napatingin naman sakin ng masama si Minami, nang nagpunta sa likuran ko si Yogani.

Itinanong ko sa kanila kung anong nagyayare..

"Wag kang makialam." Sabi ni Kishimoto, di ko alam kung bakit parang galit siya sakin.

"Tayo na Kishimoto." Sabi ni Minami, at umalis na silang dalawa.

Nang nakaalis na sila ay bigla na lamang umiyak si Yogani, na di ko alam kung bakit..

Nalaman kong ex nya si Minami.

Haruko Akagi Point Of View..

Malapit nang magsimula ang laban ngunit hindi parin dumarating si Hanamichi Sakuragi.

Sinabi ko kay coach Anzai, na hahanapin ko si Hanamichi Sakuragi, sa labas.

Nang nahanap kona siya nakita ko siya na kasama si Yogani.

"Tama na.." Sabi ni Sakuragi, sabay niyakap si Yogani.

Nang nakita ako ni Sakuragi, ay mabilis naman niya inalis ang pagkayakap nya kay Yogani.

"Pasensya na sa istorbo magsisimula na kase." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Panoorin mo ang henyo.." Ngiting sabi ni Sakuragi, kay Yogani, hahaminin kong nagselos ako kay Yogani, dahil sakin yon sinasabi ni Sakuragi, kada may laban ang SHOHOKU..

Tumango si Yogani, at sabay sabing.. "Galingan mo.."

Magsisimula na ang laban sa pagitan ng Team KANAGAWA at Team OSAKA.

Ang napili ng mga coach ng team KANAGAWA na maglalaro sa 1st half..

Takenori Akagi..
Akira Sendoh..
Shinichi Maki..
Hanamichi Sakuragi..
KaedeRukawa..

Nagsimula na ang laban hindi makaalis sa puwesto si Sakuragi, dahil ang higpit ng pagbabantay ni Kishimoto.

"Ang kulit naman nito." Bulong ni Sakuragi, abang pinipilit na makalusot sa dipensa ni Kishimoto.

"Masyado naman yatang mahigpin ang dipende ni Kishimoto, ngayon hindi tulad noon.." Seryosong sabi ni Ryota.

"Kayo ba ni Yogani?." Tanong ni Kishimoto, kay Sakuragi.

"Wala kana doon." Sagot naman ni Sakuragi, na kinainis ni Kishimoto.

Pagkatapos ng 1st half..

32-26 lamang ang team OSAKA..

Binigyan ng sampung minuto ang mga player na magpahinga sa kanilang locker room bago magsimula ang 2nd half..

Sa locker room ng team KANAGAWA..

"Ayos din ang ginawa mo Sakuragi." Sabi ni Yogani, na dumating.

"Talaga bang ayos yon eh hindi nga siya nakawala sa dipensa ni Kishimoto." Sabat ni Rukawa.

"Rukawa, madaldal ka yata ngayon." Sabi nila Ryota, at Mitsui, na nagulat nalang sa biglang sabat ni Rukawa, sa usapan nila Sakuragi, at Yogani.

"Nagseselos kaba Rukawa?." Tanong ni Fujima.

"Hindi noh.. Bakit naman ako magseselos?." Sabi ni Rukawa.

"Kitang-kita kuya na may gusto ka kay Yogani.." Sabi ni Yurie.

"Wala akong gusto sa kanya." Sabi ni Rukawa.

"Wala kang maitatago sakin kuya.." Sabi ni Yurie, na hinahasar si Rukawa.

"Tumigil kana." Bulong ni Rukawa.

"Hoy Rukawa, kung may gusto ka'man kay Yogani, wag kang umasang gugustuhin ka niya kesa sakin." Pabulong na sabi ni Sakuragi, kay Rukawa.

"Bakit parang wala kang pake-alam Haruko? Aayahan mo nalang ba na agawin sayo ni Yogani, sina Sakuragi, at Rukawa?.." Tanong ni Mitsui, kay Haruko.

"Mukha kaseng wala nang feelings sa akin si Sakuragi, hindi narin naman ako umahasa na magustuhan ako ni Rukawa." Nakayukong sabi ni Haruko.

"Kala kopa naman kayo na ni Rukawa, dahil lagi kayong magkasama ngayong mga nakaraang araw.." Nasabi na lamang ni Mitsui, kay Haruko, yun din kase ang iniisip ni Mitsui, na may namamagitan na kina Haruko, at Rukawa.

PERFECT LOVEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant