"Bumalik ka na sa trabaho," utos niya sa lalaki, sumunod naman ito ngunit bago siya umalis ay magpa-salamat ako sa kaniyang paghatid sa akin. "Sumunod ka sa 'kin," tukoy naman sa akin ng matanda.

Walang pag-aatubiling sinundan ko ito pagkatalikod niya sa akin, pumasok kami sa loob at nadatnan namin doon ang iba pang kasambahay katulad namin.

"Ilapag mo ang gamit mo riyan at sumunod ka sa akin," seryoso niyang utos sa akin. Nilapag ko ang gamit ko sa isang tabi at sinundan siya papasok sa loob ng dining area.

"Ikaw ang kapalit ni Laura sa trabaho, ikaw ang papalit sa kaniyang trabaho." Untad niya, lumabas naman kami sa malawak na dining area at ang sunod naming nilabasan ay ang sobrang lawak na sala. "Nakikita mo ba ang mga litrato na 'yan?" Tinuro niya ang mga litrato na nasa tabi ng hagdan at mga nakasabit sa dingding.

"Opo," sagot ko.

Hinarap niya ako at tiningnan muli mula paa hanggang sa aking mukha, hindi naman niya ako tinatarayan ngunit para naman niyang binabasa ang nasa isip ko sa pamamagitan nang pagtingin sa mga mata ko.

Ang pakiramdam ko sa kaniyang tingin ay para niya rin akong hinihigop at hini-hypnotized, gano'n ang dating ng titig ng babaeng ito sa akin.

"Sigurado ka ba na kaya mo ang mga trabaho rito sa mansyon?" Tanong niya sa akin, hindi ko naman inaasahan iyon dahil wala akong alam na dahilan para itanong niya sa akin iyon.

Bumuka ang aking bibig, dahan-dahan na tumango sa kaniyang tanong sa akin.

"Learn to speak when someone is talking to you, kid." Bigla niyang pagi-ingles sa akin, hindi ko inaasahan iyon sa isang kagaya kong kasambahay. . .

"I'm sorry po, Manang. Opo, kaya ko po ang magiging trabaho ko." Agad ko naman na sagot sa kaniya pagkatapos niya akong kausapin at sabihin iyon sa napaka-pormal na tono.

Hindi normal para sa kagaya kong katulong, iniisip ko tuloy ay nasa mataas na position siya naroroon sa mansiyon na ito ng mga Castellanos.

Biglang nangunot ang kaniyang noo.

"Ano ang tinawag mo sa akin?" Tanong nito sa akin sa mas seryoso na tinig, unlike sa kaniya na kahit papaano ay hindi ako kinakabahan.

"Manang po. . .?" Sagot ko sa kaniya sa patanong din na paraan.

"I am not Manang, call me Madam Rosario." May diin pa sa ibang salitang sinabi niya sa akin, hindi ako bingi at manhid para hindi iyon malaman, hindi naman naiirita o galit ang kaniyang boses para matakot ako, siguro ay kaba at ilang pero hindi sa punto na natatakot ako.

"Oho, Manang-- I mean Madam Rosario, noted po!" Agad kong pinutol ang unang itatawag ko sa kaniya dahil biglang mas naging seryoso ang tingin niya sa akin.

"Just to let you know, I am the master here, wherein I am the one who will guide and lead the maid here." Walang halong pang-iinsulto ang kaniyang boses after niya sabihin iyon sa akin.

"Opo, pasensya na po." Hingi ko ng pasensya kay Madam Rosario.

Tumango naman ito sa akin.

"Answer me again, sigurado ka ba na kaya mo ang trabaho na pinasa sa iyo ni Laura?" Tila nagda-dalawang isip niyang tanong nanaman sa akin.

"Opo," agad kong sagot para wala akong marinig mula sa kaniya.

"It just, I only want to make sure na kaya mo nga." Hindi ko alam kung feeling ko lang ba ito or delusional lang ako, pakiramdam ko ay may pinupunto siyang bagay. "Para ka kasing walang laman, payat ka." Bigla niyang sagot.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now