Chapter 4 - My day

Start from the beginning
                                    

"Dyan ka na nga. Ang kj mo talaga."- sabi nya at tumakbo na papasok ng bahay.

Bumalik nalang ako sa pagmamasid sa paligid dahil ayaw kong tuluyan masira ang mood ko baka hindi na naman ako sumipot sa sarili kong party kapag inuna ko ang init ng ulo ko.

Nakaka boring din pala tumunganga kaya naman naisipan ko nalang na pumasok sa loob ng bahay para maligo. 2pm kasi start ng party at alas dose na ng tanghali.

"Juztine anak? Naihanda ko na yung damit mo sa ibabaw ng kama mo."- sabi ni mommy.

"Where's Dad?"

"Nasa trabaho pero hahabol naman iyon. Maligo ka na dahil dadating na yung make up artist mo maya maya."

"Ma? Can I not wear a dress?"

"Why not? It's your sixteenth birthday."

"Pero——"

"Sige na. I'll see you later, okay?"

Hinalikan nya ako sa pisnge bago tuluyan bumaba para siguro asikasuhin ang mga naiwan tao sa labas.

***********

"HAPPY BIRTHDAY!!"- sabay sabay na sabi ng mga bisita.

Isang tumpon na naman yung regalo ko duon sa kabilang mesa at dumadagsa pa din ang mga bisita.

Tinanggap ko yung cake na inabot sa akin nung MC at tinitigan yung kandila.

Making a wish is not my thing; I don't believe in it because I know that our decisions in life will determine our destiny.

To make something happen, you need to do something that will surely be a way to make your wish come true.

Hinipan ko na yung kandila at nagpalakpakan ulit sila. Kunot noo lang akong tumingin kay Kuya dahil kanina ko pa napapansin na pinipicturan nya ako. Siguro ipopost na naman nya mga stolen ko sa fb nya para pagtripan ako.

"May mensahe ka ba sa mga tao na nandito ngayon?"- nakangiting turan ng MC sa akin.

Tinapat nya sa akin yung mic para marinig ako ng lahat.

Tinignan ko naman ang buong paligid at halos lahat ay nakatingin din sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang parents ko at nakita ko sila na kausap ang mga matatandang kaibigan nila.

Kumaway sa akin si mommy at tumango lang sa akin si daddy.

Hinawakan ko yung mic at bumuntong hininga.

"Thank you all for coming. May you all rest in peace."

Everyone went silent and looked so surprised, but thankfully the MC managed to divert their attention by making some funny remarks.

Binalik ko yung mic at bumaba na ako sa mini stage. Sinalubong ako ni Kuya na ngayon ay luhang luha na kakatawa.

"Hindi ko kinaya yung pa rest in peace mo. Tinakot mo naman mga bisita mo, hahahaha."

I nudge his stomach, causing him to wince, but I ignore him.

Kumuha ako ng inumin at naupo sa upuan naka prepare para sa akin. Minasahe ko din ang sentido ko dahil ang uncomfortable sa pakiramdam na marinig ang mga boses nila, kalansing ng mga kubyertos, tunog ng mga baso, at yung background music pa na naka play sa mini stage.

Nang hindi ako makatagal ay tumayo na ako at pasimpleng pumasok sa loob ng bahay. Sumalampak ako ng upo sa couch at tumingala. Pinatong ko sa lap ko yung unan at niyakap.

Hindi nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok. Wala na akong pakialam sa party. Mabubuhay naman sila kahit wala ako duon dahil wala naman sa akin yung mga pagkain at inumin.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now