Haysss ano ba yan wrong timing naman lagi na lang. Nang makatawid na kami. Umuwi na ko. Ganun pa din routine ko kakain tapos matutulog. Paggising ko inayos ko na yung gagamitin para sa paggawa ng project ko. Nang dumating na si Dave sa bahay.

"Neng! Si Dave andito na!" Sabi ni Mama sakin

"Ayyy. Dave tara pasok." Sabi ko

"Salamat paano natin sisimulan? Ano ba topic mo?" Sabi ni Dave

"Hmmm. Di ko alam choosing a right answer sana." Sabi ko

"Ohhhh! Pwede na yun!" Sabi ni Dave

Sinimulan na namin ni Dave ang paggawa tinuruan din niya ko ng mga codes. Nang malaman ko naman na bigla namin natopic si Deleon.

"Nga pala bat mo hinahanap si Deleon?" Tanong ni Dave

"Ahhh. Ei? Nasa akin kasi yung batch file niya binigay ni Nic. Ei? Nacurious ako kung sino siya lagi ko kasing nilalaro yung snake na gawa niya." Sabi ko

"Ahhh." Sabi ni Dave

"Dave! Turo mo lang sakin kung sino siya aa? Ayoko malaman niyang hinahanap ko siya." Sabi ko

"Oo ba. Sige Ate Beyre uwi na ko aa?" Sabi ni Dave

"Ayyy. Oo sige. Salamat Dave." Sabi ko

"Wala yun. Gawin mo na yan." Sabi ni Dave

Nang nakauwi na si Dave ginawa ko na yung batch file ko nung nabored na ko nilaro ko ulit yung batch file ni Deleon. Ganun ulit ang routine sa buhay. Kain tulog. Pasok sa school.

Makalipas ang 3 araw. Di ko pa din siya nakikita. After class pupunta kami kena mommy magpapaturo ng iba pang codes si Donna

"Maria! Tara na!" Sabi ko

"Sige una na kayo may aantayin pa ko." Sabi ni Maria

"Ayyy sige. Babye. Ingat aa?" Sabi ko

"Ikaw din. Ingat kayo." Sabi ni Maria

Nang makarating na kami sa bahay nila mommy. Nabored ako inaantay ko siya magtexx. Minuminuto tinitignan ko cellphone ko nagbabakasakali. Nawala ang pagka bored ko ng may narinig akong usapan tungkol kay Deleon.

"Mi? Papunta na daw sila Maria dito." Sabi ni Jes

"Sige. Kasama na niya si Byran Deleon ba yun?" Sabi ni mommy

"Opo mi." Sabi ni Jes

Nagulat ako sa nalaman ko na si Byran na crush na crush ni Maria at Deleon na hinahanap ko ay iisa lang? Ghad! Nang biglang may sumisigaw sa labas ng bahay nila mommy.

"Mi? Mommy andito na po kami."
Sabi ni Maria

"Ayyy. Ohhh pasok." Sabi ni mommy

Nakita ko si Deleon siya pala yun kahit siya bilang si Byran di ko pa din naman siya nakikita nun ata?

Umupo si Byran at nilabas ang laptop niya. Tumabi naman si Maria sakanya.

"Ayyyiiieeee! Dream come true Maria!" Sabi ni Donna

"Ohhh! Aral muna." Sabi naman ni Jes

"Hayyy naku Maria. Happy na? Ikaw aa. Ahahaha!" Pangaasar ko din kay Maria

"Ewan ko sainyo." Sabi ni Maria

Kumain na kami ng lunch. Pagtapos kumain nangulit ako ng nangulit. Nangaasar sakanila kasi anjan mga couple nila si Maria kay Byran. Si Keith kay Troy Nang makita kong busy si Byran sa paglalaptop tinabihan ko siya pinatong kamay ko sa balikat niya kumbaga feeling close. Pinagseselos ko si Maria. Ahahaha

"Ano yan?" Tanong ko

Sumagot siya pero hindi ko narinig.

"Ano?" Sabi ko

Sumagot ulit siya at di ko nanaman narinig. Ang hina ng boses niya!

"Ano ulit?" Tanong ko

"Project. Bingi!" Sabi ni Byran

"Wow aa? Pasensya aa?" Sabi ko sabay alis sa tabi niya

"Mommy? Pahingi nga pong cotton buds nakakahiya po kasi sakanya bingi ko daw." Sabi ko

Tawanan lahat ng classmate ko pati na din si Byran. Hanggang sa ako naman pinagtripan nila.

"Wala ka kasing dibdib!" Sabi ni Keith

"Ok lang kesa sayo laki ng ilong!" Sabi ko

"Ahahaha! Kawawa di pinagpala sa dibdib flat!" Sambit ni Maria

"Ang haba naman ng baba mo!" Sabi ko kay Maria

"Awww! Hard!" Sabi ni Donna

"Atleast sakin pwde gumamit ng foam! Ei yung inyo?" Sabi ko

Nakita ko si Byran tumatawa

"Ohhh! Ano tinatawa tawa mo jan?" Sabi ko

Umiling lang siya at nakangiti pa din. Nakakaasar na Byran to! Tinignan ko orasan. Anong oras na din kaya ngdesisyon na ko umuwi.

"Uwi na nga tayo Donna hayaan natin ang mga couple dito! Wala tayo nyan kaya umuwe na tayo." Sabi ko

"Sige bee. Taraaa!" Sabi ni Donna

"Mi? Alis na po kami. Salamat po ng marami." Sabi ko

"Salamat Mi. Babye." Sabi ni Donna

Umuwi na kami ni Donna nun.

The Complicated StatusМесто, где живут истории. Откройте их для себя