CHAPTER 12 : FLIGHT

Začít od začátku
                                    


Huminga ako ng napakalalim at tinikom na lang ang aking bibig kahit gusto ko silang ratratin. Hanggang sa huling sandali ng gabi ay nakakaya nila akong inisin.


Pagdating ko sa dorm ay hindi ako makatulog. Nakatitig ako sa kisame at nag-iisip habang background music ko ang hilik ni Liza. Hindi sinagot ni Ren ng deretsahan ang tanong ko pero halatang itinatanggi niya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ano ang totoo? Sino ang may punto?


Nag-beep ang cellphone kong naka-charge sa paanan ko. Tinatamad akong bumangon kaya kinuha ko 'yon gamit ang aking paa at in-slide sa sahig. Agad kong inabot 'yon para tignan kung sino ang nagtext. Nang makita ko ang pangalan ni Ren sa screen ay nagtaasan ang kilay ko. Anong kailangan ng isang 'to?


Binuksan ko 'yon at binasa.


Ren Delgado : Kung sino man ang nagtsismis sayo, huwag mo paniwalaan.


Napangisi ako. Kinagat ko ang aking labi at nagreply.


Ako : Hindi matahimik. Mukhang guilty.


Hinintay ko ang reply niya. Infairness, ang bilis magreply ng taong 'to.


Ren Delgado : Sinasalba lang kita sa maling akala.


Ako : Weh?


Ren Delgado : Tsaka tsismosa ka rin pala.


Ako : Parang ikaw, hindi. Letse.


Ren Delgado : Nakamamatay ang maling akala kaya huwag ka na lang maniwala kung ayaw mong patayin kita.


Napanganga ako sa text niyang 'yon. Ngunit agad ring may kasunod na. . .


Ren Delgado : Joke. Haha!


Ako : Ang ganda naman ng joke. Death-defying. Uunahan na kita. Yari ka sa practice bukas.


Ren Delgado : Seriously, Georgia. Don't believe in them. I have a name to maintain.


Ako : Okay. Sabi mo, eh.


Ren Delgado : At hindi ko rin ata kayang gawin 'yon sa girlfriend ko.


Hindi ko na siya nireplyan pagtapos no'n. Napaisip na naman ako kung bakit biglang naging invisible ang girlfriend niya. Ba't hindi nito natapos ang second sem at naglaho na lang na parang bula? Kung hindi nabuntis ay ano?


Napakamot ako sa aking ulo. Para naman akong nag-iimbistiga ng krimen sa SOCO.


Niyakap ko ang aking unan at nagkalikot na lang ng cellphone. Nag-log in sa fb para tignan ulit ang profile ni Rhea Marval. Walang pinagbago ro'n. Hindi talaga nagagalaw. Baka naman nagbago ng account?

Stuck At The 9th StepKde žijí příběhy. Začni objevovat