"Huling Sandali"

222 87 19
                                    

Sa Huling Sandali na makikita kita,
Nais ko sanang mabatid mo na ma mi-miss kita ng sobra at hahanap-hanapin ko ang iyong presensya kung sakali mang ika'y lilisan na.

Sa Huling Sandali sana'y 'wag mong ipagkakait sa akin ang sandaling mayakap ka kahit na saglit lang,
Dahil gusto kong maramdaman mo na tapat ako saiyong nagmamahal hindi man bilang kasintahan ngunit bilang iyong kaibigan na handa kang damayan at pahalagahan.

Sa Huling Sandali sana magbago pa ang ihip ng tadhana at hindi mo na kailangang lumisan pa at sa halip ay magpakasaya.

Sa Huling Sandali nais kong malaman mo na hindi ka nag-iisa narito ako para saiyo, aking tiya, huwag mo sana akong makakalimutan bagkus sana ay ako'y iyong maalala ng may ngiti sa mga labi dahil sa masasaya nating alaala na ginto kong maituturing dahil kagaya ng ginto ito'y dapat na pinahahalagahan at hindi dapat binabaon sa nakaraan.

SisidlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon