PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Sigurado ka bang kaya mo umuwi mag isa? " paulit na tanong ng pinsan ko.

Kakagalin kasi namin umattend ng birthday party sa kablockmate namin.

"Oo naman kahit I'm bad sa mga directions dito" sagot ko naman habang inaayos ko ang buhok ko sa salamin.

"Sige una na ako ha, take care" pagpapaalam ng pinsan ko sabay biso sa'kin.

Nang matapos na ang birthday party ng kablockmate namin ng pinsan ko ay nagpaalam na ako umuwi dahil nakalimutan ko na may tatapusin pa akong plates. 1 week nalang ay pasahan na namin.

It's already 12am na at wala ng sasakyan dumaan sa kalsada kung saan ako naghihintay ng masasakyan.

Kaya nagpasya nalang ako na maglakad muna at nagbabasakaling may makitang taxi or jeep.

Ilang minuto ay may taxing dumaan kaya agad ko iyon pinara. Iiyak na sana ako kanina dahil napakasakit na ang paa ko kakalakad naka high heels pa naman ako.

Nang nakapasok na ako sa taxi ay kagaad ko sinabihan ang driver ng address ko kung saan doon ako bababa.

Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba sa sinakyan ko na taxi kaya napatanong ako sa driver.

"Kuya parang may problema 'tong sasakyan mo paki check nga" sabi ko naman kaagad naman bumaba ang driver at chineck niya ang sasakyan niya.

"Ma'am pasensya po, naflattan po tayo ng gulong" sabi ng driver kaya napatulala ako saglit.

Paano ako uuwi nito, nakakatakot pa naman ang kalsadang hinintuan namin ni kuya taxi driver.

"Kuya bababa nalang ako, hahanap nalang din ako ng ibang sasakyan" sabi ko sa driver.

"Ma'am mag ingat po kayo, sorry po talaga matatagalan po kasi ang repairer baka po hindi mahaba pasensya niyo" pagpapaumanhin niya sa akin kaya napatawa ako.

Kaagad naman ako bumaba sa taxi. Hinubad ko ang high heels ko para makalakad ako ng maayos.

Habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako ng takot. Ramdam ko kasi ay parang may sumusunod sa akin. Kaya napabilis ang paglalakad ko.

Panay lingon ako sa paligid ko baka sakaling may tao talagang sumusunod sa akin.

"Jusko sana naman ay uuwi ako ng safe" bulong ko sa sarili ko halos nanlalamig at nanginginig na.

Parang aatakihin na talaga ako nito sa puso. Sa nerbyos at takot.

Ilang sandali ay may humablot sa akin at kaagad tinakpan ang ilong at bibig ko gamit ang panyo.

Nahilo ako at nawalan ako ng malay.

CRAZY OVER YOUWhere stories live. Discover now