My life was miserable because of what they did before. They destroyed me, they destroyed my whole being.

I almost went crazy because of what happened to me in their hands. I even thought about killing myself before, but I chose not to. I stopped myself because it was wrong.

Hindi tama.

I still need justice. I promised Hiro that I would give him the justice he deserves.

Hindi ko pwedeng itigil ang buhay ko dahil sa ginawa nila dahil kung magpapakamatay ako, pinakita ko na rin sa kanila na nanalo sila.

I will never forget the pain and trauma they gave me.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at muling tumingin sa puntod niya.

"Aalis na ako pero babalik ako," saad ko. "Sa oras na bumalik ako, may hustisya kana. At buo na ang sarili ko at masaya na. I will be better too." I smiled. "Hindi ako babalik dito ng wala kang hustisya. I promise to give you the justice you deserve."

Babalik ako dahil marami pa akong ik-kwento sayo. Marami pa akong problema na kailangan mong pakinggan. Sasakit pa rin ang ulo mo sakin kahit wala kana.

Yumuko ako at hinalikan ang lapida niya. Oo, baliw na ako. Matagal na.

Tumayo ako at binigay ng huling tingin ang puntod niya bago tumalikod.

I will be better, Hiro. Pangako. Hindi ako babalik ng hindi buo ang sarili ko. Susundin ko ang mga bilin mo, hinding-hindi ako magpapadala sa galit ko katulad lagi ng paalala mo sakin nung mga bata pa tayo.

I will do anything to make them rot in jail. The Vejias have to pay for what they did.

Handa na akong harapin sila. Kaya ko na silang harapin ng walang takot. Walang magagawa ang pagtatago at pagtakbo ko sa mga problema ko.

I know I can. I know.

I knew that the day would come when I had to face my past, and that day has finally come.

Kaya ko ng harapin ang nakaraan ko. And all I have to do now is win the battle.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko. Nandito ako sa condo ni Stacey na dati ko rin na tinuluyan.

Dumiretso ako rito dahil kailangan kong ayusin ang sarili ko bago bumalik. Suot ko pa rin ang uniform ng CHU kaya kailangan kong mag-palit.

Hindi naman pwedeng umuwi ako sa amin at biglang magpakita sa pamilya ko na ganito ang itsura ko.

Babalik ako dahil iyon ang tama at kailangan kong gawin. Kailangan ko rin makita kung ano ang kalagayan ni Kuya at kung ano ang kalagayan ng pamilya ko.

I slowly removed my contact lens. Muli akong napatitig sa sarili ko matapos kong tanggalin ang nasa mata ko.

Napatigil ako sa harapan ng pintong nakasarado at pinakinggan ang usapan nila. Nandito na kasi ako sa tapat ng room namin, galing kasi ako ng comfort room.

Pumunta ako sa comfort room pagkatapos ng sagutan namin nina Kairus kanina. Nung umalis sila, umalis din ako para pumuntang comfort room at nang dumating ako, narito na sila.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now