Muntik ko ng makalimutan si Bryle, dapat sya ang una kong pinuntahan, damn!

Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko ang lalaking yun? Ang dami ko tuloy kasalanan dapat ayusin.

"Kakausapin ko pa rin si Bryle para humingi ng tawad sa kanya"ani ko.

"How about your family? Hindi kaba manghihingi ng tawad?"tinaas nya ako ng kilay.

Umupo ako sa sofa at tinitigan si Dad ng walang halong takot, sanay naman ako umasta kapag nasa harap nya.

Kung masama ang ugali ng dad ko, ano pa ang aasahan sa anak?

"You're devil dad, hayaan mo kaming magsama ni Venezio, magkakaroon na kami ng anak, epal ka pa rin sa love life ko"inirapan ko sya.

Naghatid ng meryenda ang maid namin, inamoy ko lang, nang hindi ko nagustuhan ang amoy binalik ko rin sa plato.

"I'm still your dad, baka nakalimutan mong lalaking yan ang dahilan kung bakit namatay ang lolo mo"ilan beses ko na bang narinig yan galing sa kanya.

Kailangan ko pa rin bang ulit ulitin sabihin sa kanya ang lahat para lang malaman nya na hindi ang pamilya ni Venezio ang pumatay kay lolo.

"Fine"mukhang nabuhayan sya sa sinabi ko"pero tandaan mong hindi si Venezio ang pumatay kay Lolo, kaya wag mong idamay ang magiging tatay ng anak ko, kung ayaw mong hindi makita ang apo mo"nawala ang ngiti sa labi nya.

Biglang napatayo si Dad.

"Blare hindi mo magagawa yan sa'kin"malakas na sigaw nya

"Kaya ko"

Napansin kong kumuyom ang kamao nya.

"Gagawin ko lang naman iyon kapag ginulo mo ulit kami ni Venezio"ani ko.

"Hahayaan ko kayo Blare, wag mo lang ilalayo ang apo ko, sana lang hindi kamukha ng gag*ng yun"

Sa kanya talaga ako nagmana ng ugali, kaya kong ilayo ang anak ko kapag ginulo kami ni dad, ayaw ko na mangyari ang dati.

Pareho kaming natahimik.

Nagring ang phone ko, pagtingin ko si Venezio na pala ang tumatawag.

Sinagot ko ang tawag sa harap ni Dad.

"Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap"mukhang nag aalala na rin sya.

"Nasa bahay ako, may gamit lang akong kukunin"kahit wala naman talaga

"Susunduin na kita"narinig ko ang ingay ng susi.

"Wag na, tatawag nalang ako sayo kapag nakabalik na ako sa condo"tumingin ako kay dad sabay ngiti.

Salubong lamang ang kilay nya.

"Fine! Take care"matigas nyang wika.

Pinatay ko na rin ang tawag, kapag si Venezio ang kausap ko wala syang balak na patayin ang tawag.

Binalik ko ulit ang cellphone sa slim bag na dala ko.

Tumayo ako.

"Pinapauwi na rin ako ni Venezio, pakisabi nalang kay mom na bisitahin nya lang ako sa condo kapag may time sya"bilin ko kay Dad.

Pumasok ako ng kwarto ko at kinuha ang mga kailangan ko.

Nandito pa rin ang mga pinta ko, buti nalang talaga at hindi pumapayag si Mom na galawin nila ang mga gamit na mahalaga sa'kin

Kinuha ko ang mga kailangan ko dahil kapag bored na ako sa condo may gagawa pa rin ako.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa kabinet, magpapatulong lang ako sa mga tauhan ni dad para dalhin ang mga gamit ko.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon