Chapter 1 - Arden

Start from the beginning
                                    

Pahirapan pa ako sa pag babanyo dahil hindi ko alam kung saan ako papasok dahil nga sa kondisyon ko.

Hindi ko naman hiniling maging ganito. Sa totoo lang nagulat din ako nuong nagkaisip ako kasi bakit ako may ganon e babae naman ako. As in na confused ako at naisip ko na baka lalaki nga ako, pero inexplain naman sa akin nina mommy at daddy ang kalagayan ko at tanggap din ako ni kuya. Hindi nagbago ang pakikitungo nya at mas lalo pa akong iningatan dahil little sister nya ako.

Napahinto ako at kumunot ang noo ng mapansin ko na may nabubuo ng mukha sa abstract na ginagawa ko.

Tinigil ko ang pagpipinta at kumuha nalang ng libro sa bookshelf at naupo malapit sa bintana.

Binuklat ko ang pahina at nagsimulang magbasa hanggang sa maubos ko yung isang buong libro.

"I'm still bored,"- I murmured while putting the book on the shelf.

Inikot ko ang paningin ko sa malawak kong kwarto. Black n white lang ang kulay nito dahil hindi ako katulad ng ibang bata na puno ng design ang buong kwarto.

I'm a girl but I'm not really into girly things. I prefer something that is not too flashy or ostentatious.

Dahil bored ako ay naglinis nalang ako kahit wala naman ako dapat linisin. Gusto ko lang may magawa dahil ayaw ko naman lumabas at bumaba.

Pagsapit ng gabi ay saka lang ako bumaba dahil wala na ang mga tao. Nalinis na din ang pinagdausan ng birthday ko.

Tahimik akong naupo sa hapag kainan at sumunod naman si Kuya na ang lawak ng ngiti.

Tinignan ko ang bakanteng upuan ng parents ko.

"Busy pa sila mom at dad. Mauna na daw tayo."

"I'm not asking."

"Sinabi ko lang para alam mo."

Hiniwa ko ang karne sa plato ko at sinubo. Ganuon din ang ginawa ni kuya habang nakangiti ng malawak.

"Stop smiling, you look creepy."

"Oh, coming from someone who is like a psychopath."

Nag peace sign sya sakin pero hindi naman nagbago ang itsura ko. Nginuya ko lang ng dahan dahan ang pagkain ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Masaya lang ako. Hindi ko kasi ineexpect na darating si Rein."

"Who's that?"

"The lovely girl from earlier."

"You like her."

Hindi iyon tanong dahil obvious naman sa mukha ni Kuya na crush nya ang babaeng iyon.

"Family friend pala natin sila."

"Tapos?"- walang ganang sabi ko.

"Wala. Share ko lang. May regalo pala sya sa iyo."

"I don't accept things from stranger."

"Rein Addison Elin is her full name. O ayan ha. Hindi na sya stranger, pero dapat tawagin mo syang ate. Dahil kapag tumanda ako sya ang papakasalan ko."

"Eew."

Hindi naman pinansin ni Kuya ang sinabi ko at masaya lamang itong bumalik sa pagkain nya.

Bago ako matulog ay binigay muna sakin ni kuya ang regalo nung friend nya. Kaya bumalik ako sa kwarto na dala dala yung paper bag.

Libro ang laman nuon. Hindi lang basta libro dahil ito yung last series ng binabasa kong Horror story. May note pa duon at nakalagay ang Happy Birthday, Claire.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now