CHAPTER 17:ADDICTED

Magsimula sa umpisa
                                    

“Maraming salamat.”

At  pagkatapos nun iniwanan ko na siya…

DANGER

“Twaylem, saan ka galing kanina pa kita hinahanap.” Agad kong hinila yung kamay niya nung Makita ko siyang papunta sa amin..

“Danger.. dito ka matulog ha?” nagulat ako ng sabihin niya sa akin yun. Ang alam ko kase yung mga kabarkada niya lang ang mag oovernight dito.

 

“Sige.. tutal birthday mo naman.”

“Danger, may isa pa sana akong request sayo..”

“Ano nanaman yang I rerequest mo??”

“Kantahan mo naman ako.” nag salubong yung dalawa kong kilay  ng di oras.

“Ayoko.. nakakahiya naman, tsaka ang daming tao. Mamaya nalang, pag tayo nalang dalawa…”

“Gusto ko ngayon. Dali na…”

“Darth! Darth!!” walang kakundangan niyang hinatak si Darth na noo’y busyng busy sa pag inom ng juice.

“Pwede mo naman akong tawagin, bakit kailangan mo pa akong hatakin? Kamuntik na tuloy matapon sa damit ko yung iniinom kong juice.” Mainis inis na sabi nito sakanya..

“Galit ka na niyan?” ngumiti ito bigla.. yung para bang sa isang iglap nawala na yung inis niya kay Twaylem, hindi ko ba maintindihan bat takot na takot sila sakanya. E wala namang nakakatakot dito.

“Ba bespren, hindi ako marunong magalit sayo.. ano ba ang gusto mo at tinatawag mo ako?”

“Gusto da----’’ bago pa man matuloy ni Twaylem yung sinasabi niya, hinalikan ko ito ng mabilis sa lips.…

“Bat… bat!!!” ngumiti si Darth sa akin.

''Wala akong nakita.'' sabi ni Darth, at uminom ulit ito ng juice.

“Kung itutuloy mo pa yang sasabihin mo.. paparusahan kita ng halik! Sige, ituloy mo pa…” hindi na nakapag salita pa si Twaylem pagkatapos kong gawin yun, ayokong kumakanta, lalo na kung ganto karami yung taong nanu-nood.

 

“Huwag ka ng sumimangot diyan, mamaya. Kakantahan kita ng bikining itim.” Tumawa ito ng malakas..

“Huwag na! Kadiri ka, bikining itim ka diyan..”

“Atleast kahit kadiri ako, napangiti kita. Huwag ka ng humirit pa, sige! Hahalikan talaga kita.”

 

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon