08: Love keeps no record of wrongs

688 19 1
                                    

'Where are you? Please talk to me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Where are you? Please talk to me. Call me back please, Erin.'

Nakatingin lang ako sa message na pinadala sa akin ni Cadmus. Kanina pa ako nakatingin doon. Panay pa rin ang tulo ng luha ko. Ang dami niyang missed calls at messages na puno ng pagtatanong kung nasaan ako o kumusta na ako. Napatingin ulit ako sa cellphone ko nang makatanggap ako ng panibagong notification.

'Let's talk when you're okay. I want to tell you something.'

"Anong balak mo ngayon?" Tanong sa akin ni Nirca. "Akala ko naman iba siya... Ganoon din naman pala. Manggagamit din." Umiling-iling ito habang sinusuklay ang buhok ko.

"Anong gagawin ko, Nirca?" Napabusangot ako dahil babagsak ma naman ang mga luha ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko."

Tumigil siya sa pagsuklay ng buhok ko. "Ano bang gusto ng puso mo? Sundin mo lang..."

"Maiintindihan ko pa sana na nauwi siya ng late pero 'yung makikita ko pa silang dalawa noong babaeng kinababahalaan ko, roon ako talaga nasasaktan e. Ang sakit sakit, sis. Parang binabasag ang puso ko."

"Confirmed na 'yan sis, na-fall ka na. Patay ka na talagang loka-loka ka." Pananakot nito sa akin.

"Malay ko bang sasaktan niya ako ng ganito..."

"Nagseselos ka? Bakit, may kayo ba?" Tanong nito sa akin dahilan para mas lalo akong bumusangot. "Ang sinasabi ko lang, wala naman talaga kayong label kaya anong aasahan mo... Hindi naman siya totoong nakatali sa 'yo kasi kahit na totoo ka pa niyang nobya, nobya ka lang. Hindi mo pa naman siya asawa."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Nirca..." Yumakap ako sa kanya habang patuloy na lumalandas ang luha ko.

"Itigil mo na 'yan bago pa mahuli ang lahat, Erin. Masasaktan ka lang."

Sabi ko na nga ba, masasaktan din ako... Anong nagpabago sa isip ko't sumugal ako sa kanya? Hah... Hindi pa nga pala ako umaamin. Ano bang problema ko? Eh kahit umamin naman ako'y nakakuha na rin ako ng sagot dahil nakita ko silang magkasama sa office tapos gabi pa. Pinili niya 'yon kesa sa akin. Kesa sa sarili kong birthday.

--------------

"Ate Erin! I'm glad you came here. How did you know I'm here?" Tuwang tuwa si Cadesia nang makita ako. Nakakapit pa siya sa aking braso habang naglalakad kami.

"Nabanggit lang sa akin ni Manang Aida noon..." Ngumiti ako.

Nasa condo ako ni Cadesia. Balak ko sana siyang bisitahin at magtanong ng ilang impormasyon tungkol sa relasyon ni Amber at Cadmus dati.

"I'm really glad you came here without Kuya." Niyakap ulit niya ako. "I heard you guys had a fight. Is everything okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at tinapik ang kanyang kamay na nakalagay sa aking balikat. Niyakap niya ulit ako.

"Please don't break up with Kuya... He's stubborn but he is nice. Tell me if I can do anything when you guys had a fight so I can help to fix it because I don't want to lose you, Ate Erin. I want you to be Kuya's wife someday! I can't imagine someone else to be Kuya's wife if it's not you." Seryosong sabi nito sa akin.

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon