06: Love is not self-seeking

751 21 1
                                    

PAULIT-ULIT kaming lumalabas ni Cadmus para maipakita sa Senyor Arcajante na maganda talaga ang relasyon namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAULIT-ULIT kaming lumalabas ni Cadmus para maipakita sa Senyor Arcajante na maganda talaga ang relasyon namin. Pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Maliban na lang syempre kung kailangan naming magpanggap.

Ngayon ay nasa company building siya. Kasalukuyan akong nasa labas at naghihintay sa kanya. Kasama ko si Mang Elmo na nagdrive ng sasakyan dahil sabi ko sa kanyang susunduin namin si Cadmus ngayon sa trabaho.

Balak ko sanang dalhin siya sa favorite kong kainan ng turon. Mura lang kasi 'yon. Napag-usapan kasi namin ni Manang Aida ang tungkol sa mga pagkain kahapon at nabanggit niya sa akin na hindi pa nakakatikim ng turon ang pamilya Arcajante dahil nasanay sa mararangyang pagkain. Kaya ngayon ay balak ko 'yong ipatikim sa kanya. Doon, hindi na niya ako pwedeng ilibre dahil mura lang naman.

Nasa loob ako ng kotse kalahating oras na. Panay ang tingin ko sa relo ko dahil 15 minutes late na ay hindi pa rin lumalabas ang 'nobyo' ko. Nasaan na kaya ito? Baka naman may problema sa loob?

"Minsan po ba nale-late talaga ng uwi si Cadmus?" Tanong ko kay Mang Elmo na kumakain ng donut na binili ko sa kanya kanina.

Sinubo muna niya ang huling kagat bago siya sumagot. "Opo ma'am..." Ngumiti siya sa akin. "Salamat po pala sa donut ma'am... At sa laruan na binili niyo para sa mga anak ko."

"Naku Mang Elmo! Mura lang 'yan, syempre sa Divisoria tayo namili kaya mukhang mamahalin!" Tumawa ako. Pero hindi ko talaga mapigilang mapatingin sa relo ko. Ang tagal kasi.

Nakasuot ako ng white tube floral dress na ibinigay sa akin ni Cadmus ilang araw lang ang nakalipas at binagayan ko ito ng naka wedged sandals. Ang buhok ko'y naka waterfall hairstyle na may nakausling buhok sa harapan.

Naghintay muna ako ng trenta minutos bago ako magdesisyong lumabas ng sasakyan. Sumunod naman sa akin si Mang Elmo.

"Pwede po ba pumasok sa loob?" Tanong ko kay Mang Elmo habang nakatingin sa building.

"Opo ma'am. Hindi niyo na rin po kailangan magpagawa ng appointment dahil sa pagkakaalam ko, kayo ang priority ni sir..." Nasilayan ko ang ngiti nito. "Pasok na po kayo ma'am... Iyong mga mukhang bata po ang kausapin niyo pag gusto niyo pong magtanong kung saan ang opisina ni sir. Ipapakita po nila sa inyo kung saan pupunta." Sabi niya pa.

"Ganoon po ba..." Tumango ito kaya ngumiti ako at nagsimulang pumasok na sa loob. Ang malamig na aircon ang nagpahawak sa akin sa sarili kong mga braso. Humahapit ito sa aking balat.

Tahimik ang mga taong naka business attire at mukhang seryoso sa mga trabaho nila. Natanaw ko pa mula sa ilang cubicle ang mga kababaihang nasa 20s pa. Iyon ba ang tinutukoy ni Mang Elmo?

Nang mapunta sa akin ang mata ng isa ay sunod na napunta sa akin ang mata ng lahat. Parang nakakabother ang presensya ko.

"Pasensya na po sa istorbo... Pwede po bang magtanong kung nasaan ang opisina ni Cadmus Arcajante Jr.?"

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon