02: Love is kind

1.3K 23 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ma'am you can come inside now,"

Natanaw ko ang nakangiting si Kimberly na nakadungaw sa pintuan ng meeting room. Ngumiti ako sa kanya pabalik, napaka-disrespectful ko pa naman sa kanya noong una kaming nagkita tapos ang bait bait niya pa sa akin!

"Sorry talaga sa mga sinabi ko, Ms. Kimberly," madamdaming paumanhin ko sa kanya nang makarating ako sa pwesto niya.

Tumawa siya sa akin. "No need to worry about that ma'am. It's no big deal. Kim na lang po ang itawag niyo sa akin." Sabi niya tsaka ako sinenyasan kung saan ako uupo.

Dalawa ang meeting room nila-- o tatlo pa 'ata kasi nasa baba 'yung isa. Iyong isang meeting room na nakita ko kanina sa same floor na ito, pang maramihan. Dito naman sa room na ito, pang hanggang apat lang na bisita.

Unang pasok ko pa lamang sa main company building nila ay nalula na agad ako. Para akong sinampal ng kahirapan nang ilang daang lengguwahe. Talagang mayaman ang kumpanyang ito. At base sa saliksik ko, matagal na itong itinayo. Kaya nga napagkamalan kong matanda na si Cadmus Jr. Parehas pala sila ng pangalan noong tatay niya. Ang tatay niya ang founder pero siya ang nagtaguyod ng kumpanya kaya nasama siya sa Youngest Self Made Billionaires ng taong ito.

'Cadmus Arcajante Jr. | chief executive officer'

Matatanaw mo agad ang mukha ng napakagwapong CEO mula pa lang sa pintuan. Nangingibabaw siya kahit sa mga makikinang na gamit sa paligid. Kahit na nagbabasa lang ito ng mga papel ay napaka-hot niya pa rin tingnan. Idagdag mo pa na nakasalamin siya ngayon habang nagbabasa. Ay, yummy! Hahaha. Nakadikwatro rin siya sa kanyang table. Sa harapan non ay may dalawang maikling sofa sa kanan at kaliwa.

Nang maramdaman niya ang presensya namin ay nawala ang pagkakadikwatro niya. Nag-angat siya ng tingin kasabay ng pagtanggal niya sa salamin na nasa mata niya lamang kanina. Nang magtama kami ng tingin ay nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang Adam's apple.

Bago pa man kami tuluyang makalapit ni Kim sa gwapong nilalang ay binulungan ko na agad siya. "Ilang taon na ba si Arcajante Jr.?" Tanong ko sa kanya.

Mukhang nagtataka siya sa tanong ko pero sumagot pa rin siya. "23 year old lang po si sir, ma'am."

Ah... halos apat na taon ang tanda niya sa akin. Magbebente anyos na kasi ako.

"Naku Kim! Erin na lang!" Napahagikhik pa ako dahil kinikilig ako sa pagtawag niya sa akin. Ang ganda niya na nga, ang bait niya pa! "Eh ikaw ba, ilang taon ka na?"

Ngumiti siya. "29 year old na po ako ma'am."

Tapos ang gwapo pa ng boss niya! Hindi kaya, na-fall na rin si Kimberly kay Cadmus Jr.? Paano natitiis ni Kimberly na maging amo ang ganyang kagwapo na nilalang?!

"Crisostomo," tawag sa akin ni Cadmus Jr.

Puro na lang ako Cadmus Jr. Ano kayang pwede kong itawag sa kanya? Cade na lang kaya? O Caddy? Hays. Ewan ko. Pag-iisipan ko 'yan. Tsaka magiging magnobyo't nobya rin naman kami kaya siguro naman may tawagan kaming 'honey', 'babe' o 'di kaya'y 'love'?

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon