Part 3 : Ang Pag- usig

37 2 0
                                    

Nakaramdam ng kakaiba ang dalaga sa kanyang tagiliran

Duon niya muling naaninag

ang isang babae na kanyang nakita sa kanyang panaginip.

Marahan niya itong sinulyapan at

"ahh..."(napa sigaw ulit ang dalaga)..

Ngunit panaginip lang din pala iyon.

Kitang kita ang bakas ng takot sa mukha ni Richele.

"Pa...pa..panaginip lang pala iyon?"

Buti pa duon nalang ako matulog sa kwarto ni Tamarah, hindi na maganda pakiramdam ko dito, wika ng dalaga sa sarili.

Tatayo na sana si Richele ng mapansin niyang may gumalaw sa ilalim ng kanyang kumot

at duon muling namuo ang takot na

nadarama ni Richele ng mabuksan

niya ito ay

GUMIMBAL sa kanya ang isang babaeng sunog at pono ng dugo ang mukha na siya ring nakita niya.

"Ahhh... sigaw niya.

Tulong, Tamara tulungan mo ako? ,

Tamarah? Ngunit hindi siya nito sinagot patuloy parin ang paghingi niya ng tulong.

Kayat mabilis na lamang siyang tumayo sa kanyang kinahihigaan at kumaripas ng takbo papunta malapit sa pinto at sinubukang buksan ngunit lock ito.

Ng marinig ni Tamarah ang saklolo ng kaibigan ay agad itong kumaripas ng takbo papunta sa kanyang pinto ngunit hindi rin niya ito mabuksan,

richele hindi ko mabuksan ang pinto, Richele?!

Pinilit parin buksan ni Richele ang pinto ng kanyang kwarto ngunit hindi parin ito mabuksan.

Ng sulyapan niyang muli ang ang kanyang higaan naruon parin ang babae nakaliyad na ang mata ay nanlaki sa galit at paunti-unting siya nitong nilalapitan.

Dahil sa kasukdulan na takot na nadarama ni Richele ay napayuko nalamang ito at tinakpan ang mukha sapamamagitan ng kanyang kamay at nag-dasal at nag dasal

"HAI...HAIL MARY FULL OF GRACE", "HAIL MARY FULL OF GRACE"

sa dala ng takot ay hindi na niya ito matapus-tapus dasalin ang HAIL MARY.

Lumipas ang isang minutong pag darasal ay nagtaka ito kung bakit wala siyang naramdamang sinyales na andyan pa ang babae.

Kaya unti-unti niyang inalis ang kamay sa mukha at marahan niyang iminulat ang kanyang mata...

ngunit....

sa hindi inaasahan ..

" HAIL MARY FULL OF GRACE!!

"Lumitaw ang babae malapit sa mukha nito at sinambit ang katagang iyon na pagulat.

"ahhhh,ahhh.ahhh!!!

Sa sobrang takot at hindi malaman na gagawin ay bigla na lamang siya nawalan ng malay at napahandusay sa kinaruruonan,

ng mabuksan ni Tamara ang kanyang kwarto agad rin ay pinuntahan niya ang kanyang kaibigan at duon laking gulat niya ng makita ang kaibigan na naka handusay,

hindi malaman ni Tamarah kung anu ba ang kanyang gagawin sa pagkakataong iyon.

Kayat nilapitan niya na lamang ito at niyakap.

Makalipas ang ilang minuto

Humingi ng tulong si Tamarah sa labas upang madala ang kaibigan sa Ospital.

To be continued

The DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon