Chapter 6

148 9 1
                                    

CASEY's POV

Sunday ngayon at bukas ay PASUKAN NA!! Yepey!! Grabe nakakamiss mag-aral, lalo na kapag my inspiration ka (^_^) bakit? Totoo naman ah. Makakasama ko nanaman si besieee Mica, grabe nakakamiss yung loka lokang yun.
Tapos....tapos... Makikita ko nanaman ang ultimate crush ko na si ZAYN!!! Kyahhhhhh. Ang harot!

Masaya na sana, enjoying, perfect na dapat kaso ang nakakabwisit, ka schoolmate ko si Kuya (-..-) Even though, graduating na siya at grade 11 pa lang ako. Nakakairita kasi makikita at makakasabay ko siya palagi. Nakakasawa!

Natigilan ako sa pagmumuni ko dito sa kwarto ng biglang may kumatok.

*tok tok tok tok*

"Princess, are you done? Bitte schnel! You must go down na, ikaw nalang iniintay" si mommy lang pala.

"Yup mom, I'll just go down, wait a minute" sagot ko nalang.

"Ok, hurry up" narinig kong bumaba na siya.

Bago bumaba, tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin. Ang Ganda ko!!! Hahaha kapal eh noh? Di ah, nagsasabi lang ng totoo.

Pupunta kaming mall ngayon dahil bibili kami ng mga gamit para sa school. Nakasuot lang ako ng gray hanging sando na may nakalagay na 'taken' sa gitna. Nakashort akong maong at nagsapatos ng gray vans. Sinuot ko na ang gray bonet ko at inayos ang healthy brown & light yellow highlights hair ko na may curl sa dulo.

Pagbaba ko, di ko alam kung may kulangot ba ko sa muka o may muta pa. Lahat kasi sila nakatingin sakin, well pwera lang dun sa kutong lupa (kuya Jake).

"Ahh...he-he may mali po ba sa suot ko?" Nahihiya kong sabi.

Biglang lumapit sakin si mommy at hinawakan ang pisngi ko.
"No princess, you look perfect, hihi manang mana ka talaga sakin hahahah"

"Oy Nathalie, hindi lang sayo nagmana yang anak natin. Pati din kaya sakin. Diba princess? Haha"
Biglang sabat ni daddy sabay akbay kay kuya jake.

Napatingin naman ako kay kuya, ang kaninang malawak kong ngiti biglang napalitan ng kunot sa noo.

"Tsk" kahit di ko rinig. Alam kong yan palagi linya nyan.

Bigla nalang syang tumalikod at naglakad papunta sa labas. Pero may sinabi pa sya.

"Lets go, waste of time, tsk. Di naman kagandahan" arggghh... Narinig ko yung huli nyang sinabi ah. Letse! Ihagis ko tong sapatos ko sa muka nya eh.

Habang nasa byahe, sila mommy at daddy lang yung daldal ng daldal.

"Haha oo nga eh..... Oh? Magkagalit ba kayong dalawa? Bakit ayaw nyong magtabi?" Takang tanong ni mommy.

Kaming dalawa lang kasi ni kuya sa second seat. Nandito ako sa kanan at nakasuksok sa bintana tas ganun din si kuya sa kaliwa. Bali wlang tao sa gitna. Tsk. Ayaw kong katabi yan.

Walang sumagot kay mommy.
"Nakooo.. Mga baby natin Jacob. Dati hindi kayo mapaghiwalay, ang sweet sweet nyo, tapos ngayon daig nyo pa mag jowa na nag LQ hahaha"

Bigla naman akong napatingin kay mommy, with wide eyes. Tumingin din si kuya sa kanya na binigyan nya ng what-the-f*ck-look. Nagpeace lang si mommy tapos humarap na sa unahan.

Seriously? Jowa? Kami? LQ? Si mommy pa nagsabi? Feeling ko nung sinabi nya un. May ibang dating sakin, feeling ko nag-iinit yung muka ko.

Bigla kong napatingin kay kuya jake. Nagulat ako at Nakatingin din sya sakin. Tinaasan nya ko ng kilay sabay baling ulit ng tingin sa bintana.
Kotongan ko to eh. BAKLA!!!

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 07, 2015 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

My Brother & I (jadine)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum