Chapter 1: Cleaners

Start from the beginning
                                        

"Sorry po."

Nagdidiscuss si ma'am ng kung anu-anung bagay ng bigla akong tinanong nitong katabi ko.

"Hi..anong pangalan mo?" nakangiti nyang tanong revealing his braces.

"Athena.Athena Angeline Locsin."

nakasmile ko ring sagot.

"Ah,ako nga pala si Gabriel,but you can call me Gab."

"Ah..ok." sabi ko nalang at tumingin na ulit kay ma'am.

May kinuha sya sa bag nya..at libro pala iyon at binasa ito,pero may narinig pa ako.

"Why I have a feeling na gusto kitang kilalanin?"

Di ko nalang sya pinansin at nakinig nalang kay ma'am.

*kring-kring*

Ayun recess nadin.

Kasalukuyan akong nakapila dito sa canteen.Ako na sana yung susunod na bibili kaso...

"Nerd,tabi dyan." sabi ni Carlo sabay tulak sakin.

"Aray naman." sakit yung pagka tumba ko sa sahig ah!.

"Paharang-harang kasi." Dahan-dahan akong tumayo at pipila na sana sa mahabang pilahan,ng biglang may kumapit sa braso ko..

"Athena,wag ka nang pumila dyan."

"Huh? eh,wala akong pagkai--"

"Ito oh." at binigay ni Gab sakin yung tatlong cupcake na may cherry sa taas.

Paborito ko 'to ah? Panu nya nalaman?

"Pano mo nalamang p--"

"Eh..titig na titig ka kaya dun sa cupcake.Kaya obvious naman na yan yung gusto mong bilhin." napangiti ako sa sinabi nya.

"S-salamat dito ah?"

"Wala yan.Tara dun tayo kina Gabby." naglalakad kami patungong mini-garden.

"Huh? sinong Gabby?"

"Ah,si Gabriella.yung kambal ko."

"Ah."

Pagkadating namin dun...

"Hoy.ba't titig na titig ka kay Athena?" Tanong ni Gab kay Gabby.

"Wala.naman..nagtataka lang ako." bigla siyang tumayo at pinalibutan ako.

"Maganda yung katawan,mataas yung tindig,pwede kang mag model.Maganda yung mata..wow,Gray eyes ka pala." Nakangiti nyang comento at tiningnan ako kahit naka eyeglass.

"Hmm,maputi,maganda rin yung buhok.Tsaka...mala anghel yung mukha.Ngayon palang ako nakakaencounter ng ganito ka perfect na babae sa personal." pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa.Umupo muna ako saglit,kapagod tumayo.

"So,saan yung pinagtataka mo?" tanong ni Lexine.

"Ang pinagtataka ko lang eh,bakit sya naging nerd? eh,halos kung tutuosin,perpekto sya,at sya ata yung pinakamaganda dito sa campus eh!" saad nya sabay inum ng softdrinks nya.

"Di ah..ang pangi--" naputol yung sasabihin ko

"So..." nagliwanag yung mukha ni Lexine.

"O-oy..kung ano man yang iniisip nyo,wag nyo nang ituloy y-yan." kinakabahan kong saad.

"No girl,haha,,it's just that --" hindi na natuloy yung sasabihin nya kasi nag bell na.

Dali-dali kaming pumasok sa room.

Ganun parin,boring..pero mas pinili ko nalang na makinig para may makuha naman ako kahit papaano.

Nung mag-uwian na,dahil cleaners ko naman,maglilinis muna ako bago umuwi.Hayst.

"Di ka pa ba uuwi?" tanong ni Lexine.

"Di pa.maglilinis pa ako eh.Cleaners ko ngayon."

"Ikaw lang mag isa?" tanong din ni Gab. Tumango ako bilang tugon.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay kindat sakin.

"EDI GAWAN NG PARAAN!" sabay nilang sigaw.

Anong?

Kumuha sila ng paypay at dustpan,tapos pinatugtog ni Gabby yung kantang 'Shake it Off' ni Taylor Swift.

"Oy..kaya ko na 'to"

Aba..di nila pinansin yung sinabi ko at patuloy lang sa paglilinis habang sumasayaw.

Napangiti nalang ako sa ginawa nila.

This is my best cleaners day Ever!!! ^_^



When a NERD turns into a MODELWhere stories live. Discover now