Chapter 8

14 1 2
                                    


Glaiza's POV

Kakabalik ko palang galing conference room nang lapitan ako ni Natasya na akala mo sinaniban ng sampung masasayang espirito sa sobrang giliw

"Bestie!"

"Ano ba Natasya!, sigaw ka ng sigaw nasa tabi mo lang ako wala sa kabilang bundok"

Pagsaway ko sakanya napatigil naman sya "Edi pasensya, dumating na kasi yung green tea mo" sabat nya

"Dahil lang sa green tea napaka giliw mo?, hay nako Nat ang init init ang kulit kulit mo"

nauna akong maglakad sakanya pabalik sa opisina

Pag upo na pag upo ko mismo sa upuan ko tumambad saakin ang green tea at box ng pandesal wala akong naaalala na nagpabili ako nito green tea lang ang pinabili ko and the funny part is yung lalagyanan

"Natasya, wala akong panahon sa mga prank na yan"

Just a small box of pandesal pero napaka creative ng gumawa. There are, I guessed, might be nine buns inside, and the design of the box on the outside was a hand of a man pulling up his shirt and flexing his abdominal muscles or may I say abs . . .yes, the pandesal happened to be the abs.

"Grabe ka ako agad nakita mo, 'di sakin galing yan. Why don't you read that letter na nakadikit dyan sa pandesal sa sandong basa" Sagot nya sakin dahilan para mabilaukan ako, that phrase sounds familiar 'di ko lang maalala kung saan ko nadinig

"Alam mo loka loka ka talaga paano kung naibuga ko yun edi lahat ng mga papeles, you know how important these papers naman diba"

inis kong wika sakanya

"Eto naman masyadong seryoso dinedescribe ko lang eh basahin mo nalang kasi"

"Di naman to sandong basa mag dedescribe ka na nga lang mali mali pa and if this is another prank again mararanasan mo talagang mawalan ng sweldo sa isang bwan"

Pagbabanta ko sa kanya pag tingin ko sya na pala umiinom ng green tea ko "Alam mo sayo nalang yan, patimplahan mo nalang ako ng kape kay Patricia" Dagdag ko pa

"yehey...ako nalang, ako nalang magtitimpla ng kape mo" pag volunteer nya "Naku tigil tigilan mo ako Natasya, nung huli mo akong tinimplahan ng kape sobrang lapit sa dagat" sagot ko sakanya

Nakasimangot syang tumayo at tinungo ang pinto "eh sa susunod kasi wag nyong pagtabihin yung asukal at asin, sus pinapaalis mo na ako para masolo mo 'yang pandesal sa sandong basa ha" she wiggles her eyebrows at me

Binato ko sya ng maliit na unan na nasa tabi ko lang "Bilisan mo na, si Patricia pag timplahin mo alam nya kung ano timpla ng kape ko, subukan mo lang talaga pagtripan yung kape ko malalaman ko padin kung sino nag timpla"

"Edi wag!, enjoy your pandesal sa sandong basa" pang aasar nito bago tuluyang isara ang pinto "PATRICIA!" kita mo na, tatawagin lang si Patricia sisigaw talaga akala mo ang layo layo, eh pag labas ng office ko konting lakad nalang desk na agad ni Patricia

tsaka "ano ba to?" kinuha ko yung notes

Note:

'Hi! may nalaman akong little thing about you, you like pandesal daw specialy with your coffee since di ko alam timpla ng kape mo binilan nalang kita ng pandesal. Enjoy! mukang nabitin ka kasi kagabi and nung isang araw'

TimelineWhere stories live. Discover now