"Querida, lamento mucho las duras palabras de tu tío. Estoy seguro de que no lo dice en serio." Napalingon siya sa matandang babae nang ito naman ang nagsalita. Hinawakan pa nito ang kaniyang braso na agad naman niyang nilayo.

(My dear, I'm terribly sorry by your uncle's harsh words. I'm sure he doesn't mean it.)

She felt bad because the old woman looked hurt by what she did. Hindi niya lang talaga kayang pagkatiwalaan ito dahil na rin sa mga nangyari sa nagdaang linggo. "Babalik na po ako sa aking silid," malamig niyang ika bago ito tinalikuran at naglakad na muli papunta sa hagdanan. 

Bago pa man siya tuluyang makapunta sa pangalawang palapag ay narinig niya ang boses ng ginang. "Tendremos una fiesta mañana, querida. Es hora de presentarte a todos."

(We will have a party tomorrow, my dear. It's time to present you to everyone.)

Somehow, even if she doesn't understand Spanish, she knew she was talking about the upcoming party. She hates it but at least she would be able to see Yohan there.



The day passed and the party was here. Nakaharap siya ngayon sa salamin habang metikulosong inaayusan siya ng mga katulong niya. "Mga" dahil literal na ang rami nila. Tig-iisa sa kada parte ng katawan niya. May nag-aayos ng buhok niya, naglalagay ng kung ano sa mukha niya, nililinisan ang paa niya at pinupunasan ng mabangong tela ang kamay niya. Noong una ay naiilang pa siya sa VIP na trato sa kaniya dito ngunit kalaunan ay natuto na siyang masanay.

Seryoso lamang siyang nakatitig sa kaniyang repleksyon habang iniisip kung anong plano niya upang makausap si Yohan. People's attention would surely be on her all night. Kada galaw at kibot niya ay titignan ng mga nito. Finding a time to talk to Yohan would be hard.

Isa pa sa pinoproblema niya ay ang planong pangliligaw sa kaniya ng heneral. They said that they would announce it tonight. Without her consent, by the way. Can she decline it? Pwede kayang huminde? She doesn't think so, and that's the main problem here.

Buong oras na inaayusan siya ay iyon lamang ang kaniyang inisip. She wants to find a way out of this courtship that they were planning. Hindi na nga niya namalayan na tapos na siyang ayusan kung hindi lamang siya mahinang tinapik ni Nina sa kaniyang balikat. Dahil doon ay napukaw siya sa malalim na pag-iisip at napalingon sa kaniyang repleksyon sa salamin.

She saw a beautiful woman staring back at her. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa angking kagandahan ni Christina. This was the kind of face she wished she had. Yung tipo ng mukha na kayang magpaluhod ng lalake. She thought that happily ever after would only exist for the good-looking, not until she met Yohan. He made her feel special even without the typical "maganda" looks that the media would constantly bombarded them. 

Dahil sa naisip ay hindi niya naiwasang mapangiti at isipin kung gaano na niya na-miss ang pisteng lalakeng iyon. Magiliw siyang tumayo at pinagmasdan ang full reflection niya sa malaking mirror.

She looked like a first lady but hey she was not complaining. Ang ganda kaya niya. 

Maya-maya ay may kumatok sa kaniyang pintuan na agad namang pinagbuksan ni Nina. May sinabi ang katulong dito bago nito muling sinarado iyon. 

Nina walked towards her and then said, "Binibining Christina, pinapababa na po daw kayo. Narito na po ang mga bisita."

Kaysa kabahan ay umando lamang siya dito bago taas-noong naglakad papalabas ng silid niya. Nakasunod sa kaniyang likuran ang mga katiwala na nag-ayos sa kaniya. Nang makarating sa may hagdanan ay agad namang nagsiwalaan ang mga ito pati na rin si Nina. 

Mahigpit siyang humawak sa barandilya ng hagdanan at tinanaw ang mga tao sa unang palapag. People that were clearly of high status populate their huge sala. Ang iba ay nag-uusap, ang iba ay kumakain habang ang iba ay nasa gitna at masayang sumasayaw sa magiliw na tono ng gitara. Hindi pa siya napapansin ng mga ito kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makuha ang mga atensyon nito.

Malakas niyang tinapik ang kaniyang pamaypay sa barandilya na naglikha ng ingay. Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya ngunit hindi niya ininda ang mga mata ng mga ito. They said to act like Christina, then she would act based on her status.

I am rich . . . filthy rich. 

She can't act like a coward. Hindi ganuon ang asal ng mga taong mayayaman dito. Papantayan niya ang mga ugali ng mga ito para naman sa huli ay hindi siya ang mahirapan. 

Nang masiguradong nasa kaniya ang atensyon ng lahat ay mabagal siyang naglakad pababa ng hagdanan. Like a princess during a ball, she took one step at a time. Soaking in all of those stares, both envy and admiration. Inggit mula sa ibang binibini na tiyak nais mapunta sa pwesto niya. Paghanga mula sa mga ginoong tiyak nais siyang maasawa dahil sa pera niya. Surprisingly, despite the many faces in the crowd, she immediately recognized one. 

"Yohan . . ." bulong niya. 

Nakatitig ito sa kaniya ng may pagmamahal at nang magtama ang kanilang mga mata ay ngumiti ito sa kaniya. She reciprocated his smile with her own smile. 

Oh, how I miss this man.

Mas lumaki pa ang kaniyang ngiti nang makita ang paglalakad nito papalapit sa kaniya. Nang sa wakas ay nasa huling baitang na siya ng hagdanan ay akma na niya sanang lalapitan rin si Yohan ngunit agad siyang hinarang ng isang matipunong katawan. Napatigil siya dahil doon at tiningala ang lalake. 

It was Heneral Cristobal de Castro with his hands reaching out for her own and a dashing smile meant for a prince in Disney movies. "Maaari ba kitang maisayaw, Binibining Christina?"

She was still in shock by his sudden appearance but she got surprised again when Yohan not-so-gently pushed the general to the side and offered his hand too. "Isang karangalan na maisayaw ka, Binibining Christina. Maaari mo ba akong mapagbigyan?"

And there she was, in the middle of everyone's attention, two guys holding out their hand for a chance to dance with her. Isa lang masasabi niya . . .

. . . Ang hirap pala maging maganda.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now