"Tastes strawberry!" Ramdam ko ang init ng hininga nya.

Pinatong nya ang ulo ko sa balikat nya. Pumikit ako at nilanghap ang simoy ng hangin.

Blanko ang utak ko. Wala talagang pumapasok.

Unti unti akong kinakain ng antok ko, naramdaman kong binuhat nya ako.

Nilapag nya ako sa malambot na kama. Linagyan na rin ng kumot ang katawan ko bilang pambalot.

"Good night, Blare!" He kissed my forehead.

Hinayaan ko ang sariling matulog.

-

Hapon na rin ng magising ako. Ang ganda ng mood ko, siguro dahil wala akong trabaho ngayon at malaya kong magagawa lahat ng gusto ko.

Saktong pagbangon ko ng bumukas ang pintuan. Pumasok si Venezio na may dalang try.

Uminit ang pisngi ko ng sumagi sa isip ko ang halikan namin kagabi. Blare, bakit lumambot ka na naman sa kanya?

Nilapag nya sa tabi ko ang pagkain.

"Kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang kamay ko.

Damn!

Magtatalon na talaga ako.

Tumango ako.

Para na akong sasabog. I feel butterfly in my stomach. Pwede ko bang alisin?

"Kumain ka na, ipapasyal kita dito sa isla pagkatapos mo." Tumayo sya at ginulo ang tutok ng buhok ko.

Paglabas nya ng kwarto. Kinagat ko ang unan ko para pigilan sumigaw.

Ang gwapo pa rin nya talaga.

Blare, matanda ka na para sa kilig moments na 'yan. Tama na! Relax.

Kumain ako. Excited na rin ako pumasyal. Mukhang mawalak naman talaga ang isla, pag-aari ni Venezio ang islang 'to?

Should i ask him? No, blare.

Pagkatapos kong kumain, dinala ko na rin sa baba ang tray. Nakita ko syang nag-aayos ng baril. Agad nyang tinigil ng lumapit ako.

"Tapos ka na?" Tiningala nya ako.

"Yes, let's go!" Parang batang pag-aaya ko.

Sanay na talaga ako sa mga baril. Natuto rin ako kung paano humawak, normal sa 'kin kung may makita akongg baril.

Tumayo sya at tinago ang baril sa likod nya.

"Bakit kailangan mo pa rin ng baril? mamasyal lang naman tayo," tanong ko.

"For protection," he said.

Tumango ako.

Wala naman mga tao dito, kaming tatlo lang.

Lumabas kami ng bahay. Sabay kaming naglalakad, minsan nauuna ako dahil pinaglalaruan ko pa ang buhangin.

"Blare!" Tawag ni Venezio ng malayo na ako sa kanya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay sya. Ang bagal maglakad.

Hinigpit nya ang bewang ko.

"I have a suprise for you." Bigla nyang tinakpan ang mga mata ko.

Binubuksan ko ang mata ko pero wala talaga akong makita. Mukhang sakop talaga ng kamay nya ang buong mukha ko.

"Wag mo akong ibabangga," ani ko. Kinakabahan talaga ako kapag wala akong nakikita.

Dahan dahan ang bawat lakad ko. Sa likod ko si Venezio, kumapit ako sa braso nya.

"Venezio!" Sigaw ko sa pangalan nya.

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now