"Kuya!" tawag niya. "Magkano bookbinding niyo?"



Walang sumagot, pero maya-maya ay may mahabang braso na lumabas sa mga nakapatong na libro at pagkatapos ay isang mukha. Kabonggang tindahan 'to kaguwapo ang tindero! Mestisuhin, parang kamukha ni Josh Hartnet, mas rugged at matapang nga lang dahil parang sa uwak kung makakatitig. Sa haba ng braso ay siguradong matangkad.



"Kuya, magkano po ang bookbind niyo?" tanong niya uli sabay pasok sa loob.



Hindi sumagot ang lalake. Nahihiwagaan itong napatingin sa kanya. Na-conscious naman siya. May guwapong nakatingin kaya magpa-cute na siya at tumawad. "Kuya, limang illustration boards lang naman 'tong pa-ring bind ko oh. Puwedeng forty na lang?"



Wala pa ring lumabas na salita sa bibig ng lalake. Tumitig lang ito sa madidilim na mga mata.



Parang iba na 'to ah. Parang hindi na siya komportable sa titig. Hindi na niya natigil ang bunganga na ibunghalit ang sa utak niya. "Kuya, baka naman ako mausog sa inyo?" At nag-smile siya para hindi naman ma-offend ang lalake.



Iyon naman gumalaw ang lalake. Tumingin muna sa kung ano ang sinusulat bago nagsalita sa boses na halos hindi niya marinig. "Okay."



"Ay talaga, kuya?" natutuwa niyang tanong. "Okay lang ang forty! Salamat naman! Okay lang na iwan ko dito? Magsisimba pa kasi ako diyan sa Quiapo. Balikan ko mamaya. Bukas pa ba kayo ng mga alas-sais?"



Hindi ito sumagot.



"Kuya, bukas ba kayo mamayang alas-sais?!" Nilakihan niya ang boses at baka bingi.



Parang napilitan na tumango ang lalake. Pero dahil tumango kaya ibig sabihin ay bukas pa ito mamaya. Nilagay niya ang mga board niya sa leather couch.



"Balikan ko mamaya, kuya ha," sabi niya bago bumalik sa pintuan. Hindi siya agad napalabas dahil naagaw ang mga mata niya ng isang nakakaibang orasan sa itaas ng pintuan. Malaki ito at nakakaiba ang mga nakalagay na mga simbolo, hindi letra o numero at hindi dose na oras lang, kundi marami. Tapos may mga kamay na lumilibot, sa kamay ay may mga araw at planeta. Hindi na niya napigilan ang curiosity niya kaya napatanong. "Kuya, ano 'yan? Relo ba 'yan?"



Tumingin lang din ang lalake sa orasan. Baka autistic o anuman.



"Alis na po ako," sabi niya bago sinarado ang pintuan.



Dumiretso siya ng lakad papuntang Isetann. Doon siya kumaliwa at dineretso ang kalsada. Nadaanan nga niya ang Ma Mon Luk at pinapangako niya na sa sunod na magkapera siya ay hihigop siya ng sabaw at kakain ng siopao dyan, kaso baka hindi na mangyayari ngayong taon 'yan. Nadaanan niya rin ang tulay kung saan sa hagdan doon binebenta ang mga sex toys, sa tabi ng mga helmet. Sa tuwing napapadaan siya sa kalye na ito ay napapa-blush siya lalo nang nakita ang pink na dambuhalang sex toy. Sa hirap ng buhay ngayon ay kung anu-ano na lang ang mapag-iisipan na ibenta ng mga tao dito sa Quiapo.



Pagkrus niya sa intersection kung saan lumiliko ang jeep na pa-Divisoria ay may kumindat sa kanyang matabang ginang.



"Miss, baka nangangailangan ka," sabi nito habang tinuturo ang mga paninda na mga bato, hala-halaman, langis at cytotic na panglaglag.



Deadma lang siya. Dumiretso siya ng simbahan kung saan nag-uumpisa na ang misa. Tumayo siya sa gilid at nakinig sa pari. Namamanata kasi siya sa Itim na Nazareno at sa Mother of Perpetual Help na rin para tulungan ng mga ito ang ina niya na gumaling sa sakit. Mabilis nga ang pagkalat ng cancer cell sa kanyang Nanay Lita. Malakas naman ito at malusog pero nitong February lang ay biglang nanghina at iyon nga malignant na ang brain tumor nito at delikado pa na operahan dahil may naiipit na mga importanteng ugat. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nila matanggap-tanggap itong nangyayari sa ina. Sa kadami-daming puwedeng problema ay ito pa ang binigay sa kanila. Kinisap-kisap nga niya ang mata dahil may nagbabanta na namang tumulo na luha.



Mga alas-singko y medya natapos ang misa. Dumiretso agad siya sa Balugdani Printing Press at sa kanyang malaking pagkagulat ay sarado ang tindahan gayong hindi pa nga nakaalas-sais. Ang mga katabi nitong puwesto ay labas-masok pa ang mga costumers dahil bukas na bukas pa.



Pumasok siya sa katabing puwesto at nagtanong kung bakit sarado na ang Balugdani Printing Press and Services.



"Baka may pinuntahan lang si Mang Kanor kaya maagang nagsarado?" sabi ng tindera.



Nagpasalamat na lang siya. Bukas na lang niya daanan. Hayaan na niya dahil sa biyernes pa naman 'yon ipapasa. Dumiretso na lang siya ng uwi at ginawa ang kanyang thesis.






:D :D (Cute ka ba? Boto na!):D :D

ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO   (published by Bookware Publishing Corporation)Where stories live. Discover now