"Sus, kunwari ka pa dyan ako nga happiness mo eh." Pang aasar ko rito



"Siyempre naman." Nakangiti ito saakin.



"Dala mo ba camera mo? Picture tayo." Nakangiting aya nito



"Okay saglit, nasa bangka yon eh." Wika ko at lumapit sa bangkang sakay namin kanina.



Nang makuha ito ay hinarap ko ito.



"Ito na, Sweetie." Inabot ko sakanya ang camera.



Lumapit ito saakin at yumakap saaking leeg. Humalik ito sa aking pisngi kaya nanlaki ang aking mata. Bigla kong narinig ang pag click ng camera.



Tinignan ni Khaled ang picture na nakuha niya, natawa ito kaya napakunot ang aking noo.



"Lumaki mata mo rito Chloe oh-- parang hindi sanay halikan ah." Mapang asar na saad nito kaya agad akong namula.



"S-siraulo."


Tumawa lang ito at nag picture pa kaming dalawa.



"Lumulubog na ang araw, magga gabi na, sweetie. Balik na tayo sa cabin." Aya ko rito.



Tumango naman ito at lumangoy na pabalik sa bangka namin, sinundan ko naman ito kaagad.



Pagkabalik namin sa cabin ay sinabihan ko ito na maligo agad,  baka matuyuan ito magkasakit pa.



Naligo siya sa banyo ng kanyang kwarto, samantala ako ay naligo dito sa kwarto ko. Magkahiwalay kami ng kwarto, di rin kami tabi matulog.



Pero mamaya tatabihan ko siya, namiss ko siyang katabi eh.



Katatapos ko lang magpatuyo ng buhok, kaya nagpasya na akong bumaba agad.



Pagbaba ko nakasalubong ko si manang Lucy.



"Chloe anak, nakahanda na ang dinner nyo. Kumain na kayo baka lumamig na yon." Wika ni manang Lucy.



"Salamat ho manang, sumabay na ho kayo saamin ni Shaniah." Aya ko rito



"Naku Chloe anak hindi na, tsaka busog pa ako. Halos katatapos lang namin kumain ni Jane."



Sasagot palang sana ako nang biglang nakarinig ako ng yabag kaya napatingin ako sa hagdan, si Khaled pala.



"Ayan na pala si Shaniah, Sige na tumungo na kayo sa kusina at kumain. Sigurado ako napagod kayo sa pamamsyal."



"Sige ho manang, salamat ho." Wika ni Shanian



Nginitian naman siya ni manang Lucy.



"O’sya sige mauna na ako. Kapag may kailangan kayo tawagin niyo lang ako ha?"



Tinanguhan lang namin ito at nag paalam na ito saamin.



Tinungo na namin ni Khaled ang kusina, pinaghila ko ito ng upuan at linagyan na rin ang kanyang plato ng ulam at kanin.



Pagkatapos ko itong pagsilbihan ay umupo na rin ako upang makakain.



Tunog lamang ng aming kubyertos ang maririnig sa loob ng kusina. Siguro may naglilista ng noisy kaya natahimik kaming dalawa.



Limang minuto na ang nakalipas ay wala paring nagsasalita, hindi pa ito tapos kumain kaya hinayaan ko muna.



Uminom ako nang juice at tinignan ito, nakita ko itong nagpunas ng kanyang labi. Napatingin rin ito saakin kaya nginitian ko ito.



Ngunit seryoso lang ito, nakaramdam na naman ako ng kaba.



May nagawa na naman ba ako? Galit ba siya ulit saakin? Ayos lang naman kami kaninang pagbalik namin rito sa cabin ah?



Gusto ko itong tanungin kung may problema, pero parang may nakabara sa lalamunan ko kaya yumuko nalang ako.



Halos 15 minutes na kami rito sa kusina, wala paring nagsasalita. Ang awkward




Kahit natatakot ay linakasan ko na ang aking loob na harapin ito.



"S-shaniah may p-problema ba? May n-nagawa ba ako? O-ok ka lang ba?" Kinakabahang tanong ko rito.



"Hmm? Ok lang naman, may iniisp lang." Pilit na ngiti nito.



Hindi ako kumbinsido rito, baka nga may nagawa talaga ako.



"K-kung may katanungan dyan sa isip mo, sabihin mo. H-handa kong sagutin." Wika ko.



Tumango lang ito at hindi na sumagot pa.



"K-khale--" naputol ang aking sasabihin dahil nagsalita ito agad.



"Handa na akong pakinggan ang explanation mo." Seryosong saad nito.


Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Ipapaliwanag ko lang naman kung ano ang saloobin ko.


Mamamatay na yata ako sa kaba.

ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now