"Naaalala mo na talaga kami, Dhianne cutie? Sige nga, may tatanong ako sa 'yo na tayo lang ang may alam na dalawa, dapat masagot mo, ah." maingay na sabi ni Josephine na ikinatawa lang ni Dhianne pero tumango naman siya sa sinabi nito.

Hindi naman si Dhianne nagsisinungaling sa sinabi niyang nakakaalala na siya. Masaya nga siyang pinapanood ang mga itong maghabulan nang bigla na lang sumakit ang ulo niya at sunod-sunod na ang mga imaheng lumabas sa isip niya.

Hindi niya alam kung paanong bigla na lang sumakit nang sobra ang ulo niya no'ng araw na 'yon, eh nanonood lang naman siya.

"Kapag nasagot mo ibig sabihin no'n ay nakakaalala ka na nga tapos hindi na lang tayong dalawa ang may alam no'n kasi maririnig na rin nila, eh kaya alam na rin nila." nakasimangot na sabi ni Josephine na ikinatawa ng lahat.

May napapatingin na sa kanila dahil agaw pansin na sila pero hindi na nila pinansin 'yon. Marami din kasing tao ngayon sa hospital.

"Hay naku, Josephine." naiiling na lang na sabi ni Flawrence sa kaibigan.

"Heh, shut up na lang kayo. So heto na nga. Ano 'yung isang alam mo na nakakahiyang nagawa ko?" tanong na ni Josephine at inabangan naman ng lahat ang pagsagot ni Dhianne. Kinabahan pa sila dahil ang tagal sumagot ni Dhianne.

"'Yung nauwe mo 'yung mamahaling baso sa kinainan nating restaurant no'n." sabi ni Dhianne na ikinasinghap ni Josephine.

"Oh my gosh! Nakakaalala ka na nga, wah!" tili ni Josephine at tumakbo palapit kay Dhianne at niyakap ito na ikinatawa lang ni Dhianne.

"I miss you and I'm sorry dahil nakalimutan ko kayo." malungkot na sabi ni Dhianne kay Josephine.

"Okay lang, Dhianne cutie. At least ngayon naalala mo na kami." sabi na lang ni Josephine.

"Pero why mo naman inuwe? Haha." pang-aasar bigla ni Felix na ikinailing lang ni Vaxton na siyang katabi ni Felix.

"Hindi ko naman sadya, eh. Nawala lang sa isip ko, napasarap ng inom tsaka parehas ata kaming lutang no'ng guard. Hindi man lang ako sinita no'ng lumabas kami haha. Sabi pa nga sa 'kin ni kuyang guard no'n na thank you, Ma'am. Have a good day. Balik po kayo. Tapos sagot ko naman okay po. Thank you rin po. Laugh trip talaga 'yon haha." sabi ni Josephine na ikinatawa nilang lahat.

Sobrang saya nila sa araw na ito. Dahil nga sa masaya sila dahil sa nakakaalala na ulit si Dhianne ay nagpasya silang magcelebrate.

Wala namang umangal sa kanila. Gusto nga nilang lahat 'yon. Ayaw pa nga ni Dhianne dahil nakakahiya daw at hindi naman na kailangan.

Sa Moa nila napagpasyahan na magcelebrate. Balak din kasi nilang masakyan ang mga rides doon at makita ang dagat at panoorin ang paglubog ng araw.

Hindi nila agad na tinanong si Dhianne about sa pagkakabalik nang alaala nito dahil baka matrigger ang utak ni Dhianne.

"Picture tayo, daliii!" mahinang tili ni Josephine at hinila si Dhianne pati si Flawrence. Sunod niyang hinila ang mga kuya nila.

"Ang dami mong alam, Josephine." sabi ni Jazley na ikinairap lang ni Josephine.

"Hayaan mo siya, h'wag kang epal." biglang singit naman ni Jhacey dahil para mawala ang nakakalokong ngiti sa labi ni Jazley.

"Kausap ka ba? Don't talk to us nga. Ikaw nga epal diyan, eh. Sabat ka nang sabat hindi ka naman kausap." sabi ni Jazley sabay irap.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now