"Erlene!" Nabalik ako sa aking wisyo sa boses na iyon, napakurap kurap ako at napatingin sa kamay kong pinaglalaruan ang isang singsing, napalingon ako at natanaw ang kaibigan kong si chel
"Oh ikaw pala, bakit?" Ani ko
"Tulala ka nanaman diyan kanina pa kita tinatawag e, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.
Nandito ako ngayon nakatambay sa bukid malapit sa aming bahay, maraming puno rito kaya't napaka presko ng hangin, Madalas ay dito ako natambay kapag gusto kong mapag isa at kapag naaalala ko siya.
"Oo naman, anong ginagawa mo dito?" Sagot ko.
"Wala lang, hinahanap kita e wala ka naman sa bahay niyo kaya naisip ko pumunta dito, eh ikaw ba anong ginagawa mo dito?" Explanation niya.
"Wala naman, nagpapahangin lang ang ganda ng view dito e" pangungumbinsi ko sabay ngiti.
"Masyado mo nang minamahal ang nature baka bigyan ka na ng medal ni mother earth niyan" pagbibiro niya pa. Pareho kaming natawa at sabay rin nanahimik, pinapakiramdaman ang simoy ng hangin.
Pagkatapos namin magkwentuhan ni chel ng halos ilang oras ay napag pasyahan na rin namin umuwi dahil malapit na mag gabi at mukang uulan pa dahil sa lakas ng kulog.
Kasalukuyan na kong nakahiga ngayon sa aking kama at nakatulala sa kisame, tama nga ang hinala ko dahil bumuhos ang napakalas na ulan. Ramdam ko ang lamig sa aking katawan.
--------
"Oh ito ingatan mo yan ah wag mo iwawala, hahanapin ko yan sayo pag nagkita tayo ulit" Aniya sabay abot sakin ng isang singsing. Sinipat ko ito isang silver stainless ring. sa gitna ng pasipat ko ay may napansin akong nakaukit dito
"only love you" wika ko sabay tingin sakanya.
Nginitian niya naman ako at saka kinuha ang aking kamay at hinila upang maglakad na. Sa buong araw na iyon ay wala tayong ibang ginawa kundi magtawanan at mag asaran na para bang wala nang bukas.
---------
Napakasaya ng araw na iyon para sakin na tila ba ayokong ng matapos pa. Ngunit hindi ko alam na iyon na pala ang huling araw na makakasama kita..
pagkatapos ng masayang araw ko ay ito nanaman ang pakiramdam na hinahanap hanap ka.
"It's been seven years, kailan ka babalik? Sabi mo saglit ka lang sabi mo babalikan mo ko, pero asan kana ngayon? Bakit hindi mo manlang magawang magparamdam" mga katanongan na lumabas bibig ko kasabay ng pag hikbi at pagbagsak ng mga luha sa mata ko.
It's been seven years pero nag hihintay pa rin ako kagaya ng sabi mo, pero hanggang kailan kita aantayin? Babalik kapa ba?
Tanging mga salita mo na lamang ang pinanghahawakan ko, hanggang ngayon ay naasa pa rin ako na babalik ka kaya't aantayin kita kahit ilang taon pa ang lumipas mahal ko.
