Bumaba ako at nakita ko syang nakangiti habang inaamoy ang ulam na niluto ko.



"Mabango?" Natatawa kong tanong at lumapit sakanya.


"Marunong kana magluto Amara, mukhang masarap! kain na tayo? Nagutom na ako eh" hinaplos pa nito ang tyan nya at ngumuso, naku! Kagatin kita riyan eh!



"Sus, pacute kapa, oh sige na kumain na tayo" naiiling at natatawa kong sambit at umupo na, natawa rin sya at tumabi sa akin.



Agad ko siyang pinag sandok ng ulam at kanin, napatingin ako sakanya ng mapansin kong hindi ito gumagalaw at nakatitig lamang sa akin.



"M-may dumi ba sa mukha ko?" Awkward kong tanong.



"hm? Wala naman..ang ganda mo, namiss kitang titigan ng ganito kalapit, ng hindi galit ang nararamdaman ko" nakangiti nyang sambit.



Agad akong naluha, ngumiti ako rito at yumakap ako sakanya.



"H-handa na akong pakinggan ang side mo, Amara, pero wag muna ngayon hm? Gusto kong mag enjoy muna tayo rito." Tumango-tango ako at kumalas.



"O-oum..n-naiiintindihan ko, salamat Khaled"



Ng matapos kami sa drama naming dalawa ay kumain na kami at naoagpasyahang mamasyal ng magkasama, hihi! Excited nako!



"matagal ka pa ba riyan, Shan?"



Narito ako sa harap ng pinto nito, hinihintay ko sya dahil maglilibot kami ngayon dito sa Cǎihóng.



Palubog na kase ang araw, kaya nagkaayan kaming mamasyal muna. Excited na talaga ako.



Habang hinihintay sya ay inayos ko muna ang hawak kong camera.



Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako rito. Shit



Ang sexy niya



She's wearing high-waist white pants, partnered with white tube with cardigan covering her shoulders.



"Tara na, Chloe."



Ang ganda talaga!



"Hoy Amara tara na" paguulit nito at hinawakan ang aking kamay.



Tsaka lang ako natauhan dahil sa pag hawak nito sa aking kamay, ang lambot!




"S-sorry. Tara" nakangiting sambit ko at lumabas na kami ng cabin.




"Ang ganda!"



Bumitaw ito saakin at tumakbo palapit sa dalampasigan. Cute



Kinuha ko ang aking camera at pasimple itong kinunan ng litrato. Ganda talaga kahit nakatalikod.



Lumapit ako rito



"Ang ganda rito, Amara." Masayang sambit nito



"Ya, maganda nga." Wika ko at nakatitig rito.



Hindi naman nito napansin ang pagtitig ko, nakangiti lang ito habang nakatingin sa paligid.



"ang ganda talaga, sariwa pa ang hangin na iyong malalanghap. Hmmm!" Saad nito at pumikit pa para damhin ang simoy ng hangin.




Linilipad pa ang buhok nito dahil sa hangin, kinuha kong muli ang aking camera at kinuhanan ito ng litrato.



Napatigil naman ako nang bigla itong napatingin saakin. S-shit tumunog ang flash ng aking camera.



Akala ko ay magagalit ito, ngunit nag kamali ako dahil nag pose pa ito at ngumiti.




Hindi ko alam ang gagawin ko.



"Kuhanan mo pa ako ng litrato." Wika nito



Agad ko naman itong sinunod, ang ganda talaga.



Napasinghap ako ng mas dumikit pa ito saakin.



"Mag picture tayong dalawa, para may memories" masiglang wika nito.




"O-okay"



Sumandal ito saaking balikat, inakbayan ko naman ito at inayos na ang aking camera upang makapag picture na kami.



"Pakita nga" nakangiti paring wika nito



Binigay ko naman ang camera rito, hinayaan ko siyang kalikutin ang laman ng aking camera.



"Ang ganda natin dito-- picture-an kita dali! Pose ka." Excited na sambit nito.



"E-eh nahihiya ak--"



"Dali na, dali pose ka na." Utos nito



Wala na akong nagawa kundi sundin ito, matapos ako nitong kuhanan ng litrato ay kung ano-ano na ang kinukuhanan nito ng litrato na nasa paligid.



Bumalik ito sa dati nyang ayos.



"Pansin ko lang, ang daming gay couple dito." Clueless na sambit nito



Tinignan ko ito.



"Dahil ang island na ito ay para sa kagaya natin."



"Paano mo naman nasabi?" Takang tanong nito



"Ang Cǎihóng Island kase ay para sa mga katulad natin. Alam mo ba na halos lahat ng kinakasal rito ay puro gay couples." Pagkukwento ko rito.




"Hala wehh? Hindi homophobic ang nagmamay-ari rito?"




"Hindi, kung homophobic sila edi walang ikakasal na kagay natin dito--"




"Nalaman ko na ang nagmamay-ari rito ay ang pamilyang Wú, kamag-anak ba ni Keizel ang nagmamay-ari rito?" Tanong nito



"Hindi ko alam, mukhang hindi naman. Maraming Wú sa mundo, tsaka wala rin ako alam sa buhay ng kaibigan mong yon-- wait.. kaibigan mo hindi mo alam kung sakanila ito." Naguguluhan kong wika




"E-ehh.. hindi naman kase pala kwento yon, kaonti lang ang alam namin sa buhay niya. Gaya ng address niya, birthday niya mga ganun lang."



Napatango ako dahil sa sinabi nito. Ang pribado pala masyado ng batang iyon?



Kalokohan lang niya ang alam ng mga kaibigan niya.

ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now