“Uminom ka nitong tsokolate nang mainitan ng tiyan mo, senyorita.”

“T-Thank you.” halos walang boses na lumabas sa akin. 

Sinundan niya ako ng tingin. Lumapit ako sa gilid ng kama. Kumuha ako ng damit sa duffel bag. Bumalik ako sa banyo. Nagbihis ako. Paglabas ko ay naroon pa rin ang magtandang babae. Pinapanood ako na para bang may gagawin akong hindi maganda. Masyadong mabigat ang katawan ko.

Umupo ako sa gilid ng kama. Nilabas ko ang baon na brush. “Okay na po ako. Kaya ko na po.” 

“Gusto mo bang suklayan kita?” tanong niya. Pero hindi na niya hinintay akong sumagot. Tumabi siya sa akin. Kinuha ang brush sa kamay ko at siyang nagsuklay sa buhok ko. 

Hindi na ako umalma. Her hands were not heavy nor hard. Tila ako pinapatulog sa sobrang gaan ng kamay niya sa buhok ko. She didn’t speak. Maybe she concentrated herself on combing my hair. 

Tumingin ako sa labas ng bintana. Parang papagabi na kahit maaga pa. The wind was blowing against the glass window. Akala mo ay may bagyo. Nakatitig ako sa labas. Hindi ko namalayang natapos na pala ang pagsusuklay sa akin. Nakita ko na lang na nilapag niya ang brush sa ibabaw ng night stand. 

“Ang tsokolate mo, senyorita,” binigay niya sa akin ang tasa. 

Kinuha ko iyon. Tinitigan ang halos hindi makitang usok. It’s getting cold. Wala akong gana para inumin. Kung hindi rin lang niya pinilit sa akin. 

“Inumin mo ‘yan at tapos ay subukan mong umidlip. Magpahinga ka. Makakatulong ‘yon nang hindi ka magkasakit. Pero ihahanda ko ang paracetamol kapag nakaramdam ka ng pananakit ng ulo o lagnat. Handa naman kami rito sa isla.” 

It was hard to swallow how kind she was to me. Hindi ako kumibo hanggang sa iwan na niya akong mag isa. I sipped in the cup. I almost winced when I still got scalded. Akala ko ay hindi na iyon mainit. Napaso pa rin ako. 

In return, binaba ko iyon sa tabi ng brush. Tinitigan ko. Slowly, my eyelids became heavy. Slowly, my body felt tired and all I ever wanted was to lay in this bed and let my thoughts drown in sleep. Humiga ako at pumikit. 

Bukas ang bintana nang magising ako. Tumila na ang ulan pero madilim pa rin. Sinilip ang oras sa wall clock. Pasado alas singko na ng hapon. Walang gumising sa akin. Binalingan ko ang night table. Wala na roon ang tasa ng tsokolate. May nakalapag na kapirasong papel na nakatiklop. Ginawang pabigat sa ibabaw nito ang brush ko. Kinuha ko iyon at binuklat.

Take care for me. I love you. 

-Dylan

Natigilan ako. Tila ba bumalik sa dati kong mundo ang katawan at isipan ko pagkakita ko sa pangalan ni Dylan. Paulit ulit kong binasa ang mensahe ng asawa ko sa akin. Tinitigan ko ang bawat salita kahit hindi niya ito handwriting. But these were his words. It came from him. it sounded like him. These words were his. 

Dylan . . . 

Your twin is here . . .

I saw her tombstone . . .

I’m sorry . . .

Pumasok sa isipan ko sina Daddy Johann at Mommy Aaliyah. Sina Dean at Dulce. I failed them. I failed to rescue ate Deanne. Hindi ko na matutupad ang pangako ko kay Dulce. Iniisip ko pa lang ang mga salitang sasabihin ko para sa kanila ay umaatras na ako. Ayoko silang saktan. Pero wala akong ibang choice kundi ipaalam ito sa kanila sa pagbabalik ko.

Napapatanong din ako. Paano ito nakayang harapin ni ate Deanne? Iyong pagmamahal niya para kay Dylan, sa pamilya at sa akin . . . ay ibang klase. Hindi mababaw. Handang itaya kahit sariling buhay.

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon