I Love You, Karibal

670 26 6
                                    

PROLOGUE/TEASER

"Hello Lacey Olivia Fierro, I miss you" saad niya habang nakangisi. Leche talaga 'tung lalaki na tu, naiinis talaga ako kapag tinatawag niya ako sa totoo kung pangalan, ayan tuloy pinagtitinginan na kami ng mga estudyante


"Hoy! Kaizer Louis Silvestre, tantanan mo nga ako -at wag mo akong matatawag-tawag sa buo kung pangalan kung ayaw mong ipakain ko sayo tung kamao ko" sigaw ko sa kanya, pero lalo lang siyang tumawa



"Ang harsh mo naman sakin be, nabitin ba kita kagabi?" sabi niya. Ano bang pinagsasabi ng Kai na ito? Kailangan niya ba talagang ipa-alala sakin ang nangyari kagabi?



"Shut up! Walang nangyari kagabi okay? Nadala lang ako-"



"Sa mga hal-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya, agad ko na siyang kinaladkad papunta sa isang sulok kung saan walang mga estudyante na makakarinig samin.


"Admit it! I'm a good kisser right?" he asked, pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagkaladkad sa kanya, but honestly, he's really a good kisser that's why I lost my senses last night



Pumiglas siya sa pagkakahawak ko at hinaplot ang aking beywang dahilan para magdikit kaming dalawa


"Letch- letche ka Kai bitawan mo ako" Pagpupumiglas ko habang mahigpit siyang nakayakap sakin



"Ganito nalang muna tayo please" ani niya sa isang malumanay na tono. Hindi ko alam pero bigla nalang akong tumigil sa pagpupumiglas. Pfft! Sinunod ko ata 'yung gusto niya aaah



"Seryoso ako 'nung hinalikan kita kagabi" saad niyang habang nakayakap pa rin sakin. Agad ko namang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko



"I think I'm falling for you Lacey" laking gulat ko ng marinig ko ang mga salitang 'yun sa kanya. Sa totoo lang, siya ang unang lalaking nagparamdam sakin ng ganito. Yung feeling ba na, parang sasabog lahat ng organ sa katawan mo. Aissssh~



"Kai ano ba, alam mo naman na- " 



"Yes, I know how much you hate me, na karibal ang turing mo sakin because of Alexa. Alam ko na tomboy ang tingin ng lahat sayo, alam ko na hindi ko dapat maramdaman tu pero- hindi ko talaga kaya, I know that you're far from my ideal girl pero hindi ko talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo. I know this is embarrassing but- yeah! I'm confessing my feelings for you" halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Totoo ba ito, the Campus Mr. Perfect, Kai Silvestre have feelings for me?



Pumiglas ako sa pagkakayakap niya. Nagulat siya sa ginawa ko at akmang magsasalita siya ng bigla kong ilagay ang hintuturo ko sa labi niya



"Niloloko mo ba ako Kai?" agad kong tanong sa kanya, bigla akong nagulat ng inilapit niya ang kanyang mukha sakin at sa ikalawang pagkakataon ay



Hinalikan niya ako


Awtomatikong nanghina ang katawan ako at hindi ko na namalayan na sinasagot ko na pala ang mga halik niya. "Hindi kita niloloko Lacey" he said between our kisses



Habang hinahalikan ako ni Kai, naramdaman ko sa sarili ko na isa akong babae, isang tunay na babae


At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasambit ko ang mga katagang hindi ko dapat sabihin



"I love you, Karibal"




________


Hello everyone! This is my first ever Taglish Story here in Wattpad. Hope that you'll read this story until the end :)


THANK YOU GUYS! :D

I Love You, Karibal (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon