Matanong nga kay Keizel kung ano meaning nito. Kahit papaano kase ay may alam ito sa Chinese.




Tumingin ako sa wall clock upang malaman kung anong oras na ba, pasado ala una na pala ng hapon.



Makapag beach nga mamaya kapag hindi na masyadong mainit



Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Si Amara ito, kaya hindi na ako nagtangkang lingunin ito.



"Baby, hindi mo inubos ang kinakain mo kanina. Baka sumakit ang tiyan mo niyan."



"Hindi ako gutom, busog pa ako." Walang ganang saad ko, habang nakatingin sa tanawin.



Napasinghap ako nang biglang may yumakap galing sa likuran ko.



"Khaled, sorry." Nagsusumamong saad nito.



Naramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko.


Biglang tumaas ang balahibo ko dahil sa paghalik nito sa leeg ko.



"H-hmm.." shit anong nangyayari sayo Shan? Wag kang magpadala sa ganyan! Wag marupok!



Kinalas ko ang pagkakayakap nito tsaka ito hinarap. Tinignan ko ito ng malamig.



"Wag kang dikit nang dikit saakin-- at tsaka puwede ba? Tigil-tigilan mo ang paghalik saakin. Dahil sa pagkakaalam ko wala kang karapatan." Wika ko at inirapan ito.



Iniwan ko itong nakatulala, linisan ko ang silid.



Agad akong tumungo sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay kinuha ko ang big hat na nakasabit sa estante na meron sa pinto ng kusina.



"Pwede ba akong sumama? Gusto ko din mag beach eh, may alam akong maga--" hindi ko na pinatapos si Chloe at nilagpasan ko na siya.



"Ayaw kitang kasama" I said coldly. Wala akong pakealam kung ano man ang mararamdaman niya.



"Do you have any choice? Ni hindi mo alam kung saan ka nga pupunta" mayabang na sabi niya. Napatigil naman ako sa pag lalakad.



She's right, but who cares? Bahala ng maligaw--mas ok pa yun, kesa sa makasama itong babaeng to.



Hindi ko ito sinagot at lumabas na, napapikit ako at dinama ang simoy ng hangin, ang fresh ng air, hindi puro polusyon.



Inayos ko ang sumbrerong suot ko, at naglakad palapit sa dagat. Nakangiti kong tinanaw ang kulay asul at perpektong guhit sa dulo ng dagat.



Magkahalong berde at asul ang tubig, na pagnag lalakad ako ay makikita ko pa ang nga paa ko, at ang kaonting bato sa ilalim ng tubig.



Tuningala ako at pumikit, ang sarap naman sa pakiramdam, kahit papano pala ay may magandang dulot din ang pagdala sa akin dito ng babaeng yun.



Naglakad pa ako papunta sa ilalim na parte ng dagat, hanggang tuhod ko na ang tubig ng maka-apak ako ng natulis na lamang dagat, sht tangina!



"Ahh! Aray!" Daing ko at agad na bumalik sa pang pang, umupo ako aa buhangin at agad tinignan ang paa ko, agad akong napahikbi ng makita kong may nakatusok doon na itim na tinik. Ang sakit!




"Khaled! Bakit?! Anong nangyari sayo?! Hindi ka nag iingat!" Hinihingal at nag aalala ang tono ni Amara ng kumapit ito sa akin.



"A-ang sakit!" Mangiyak-iyak kong wika.



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now